New alert order system ni Comm. Lina
Ricky "Tisoy" Carvajal
October 13, 2015
Opinion
MAY ginawang pagbabago ngayon ang Customs commissioner office tungkol sa paglalagay ng ALERT ORDER sa mga suspected shipment na may halong pandaraya sa declaration of the items and values.
Para maiwasan ang delay for the release and might cause port congestion sa nalalapit na Kapaskuhan and to protect the interest of the importers.
The Commissioner of customs issued a Memorardum Order. No. 35 -2015 to protect the integrity of the ALERT ORDER SYSTEM na kadalasan ay nagagamit sa mali by some agents/units sa customs.
Naglabas ng bagong guidelines and procedures in the processing of shipments that are subjected to alert order.
Kaya hindi na basta makapagpa-alert ang isang opisina kung hindi rin siguradong may discrepancy ang isang kargamento.
They will be responsible for the mistake kung sakaling negative ang pag-alert sa isang shipment.
Under the new memo, all alerted shipment is now under the supervision of the District Collector office to examine and releasing of alerted shipment, provided no discrepancy found.
Kaya naman marami ang sumasakit ang ulo na mga kamote ngayon sa customs.
Paktay na umano ang kanilang raket, na dati rati kahit walang basehan ay nakapagpapa-alert sila ng kargamento sa mga kilala at sikat na players for additional something, something.
Ito ang nakita nating dahilan kung bakit nag-issue ng bagong memo si Comm. Bert Lina para hindi na maabuso ang pag-issue ng alert order.
Tama ka riyan Comm. Lina!