Saturday , November 16 2024

Leni Robredo: LP senatorial slate subok at maaasahan

“ISANG malaking kara-ngalan ang makasama ang labindalawang senatoriables ng partido sa darating na halalan.”

Ito ang deklarasyon ni Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo kasunod sa pag-anunsiyo sa 12 pambato ng partido bilang senador sa 2016 elections.

Kabilang sa senatorial slate ng LP sina Senate President Franklin Drilon, senador Teofisto “TG” Guingona III at Ralph Recto, dating senador Francis Pangilinan at Panfilo “Ping” Lacson, outgoing Justice Secretary Leila de Lima; outgoing Energy secretary Jericho Petilla, outgoing Technical Education and Skills Development Authority chief Joel Villanueva, Mark Lapid, dating party-list representative Risa Hontiveros at mga baguhang sina Nariman Ambolodto at Cresente Paez.

Ang labindalawang senatorial candidates ay tinaguriang “Koalisyon ng Daang Matuwid.”

“Subok at hindi matatawaran ang kani-kanilang kakayahan sa iba’t ibang aspeto ng serbisyo publiko at sa pagsusulong sa kapakanan ng taumbayan,” wika ni Robredo.

“Marahil, nakatrabaho ni Jesse ang karamihan sa kanila at nagtitiwala tayo na masinsing pinili ng partido ang labindalawa para sa pagpapatuloy at pagsusulong ng daang matuwid,” aniya.

Inaasahang sabay-sabay na maghahain ng certificate of candidacy (COC) ang mga pambato ng LP sa Huwebes.

About Cynthia Martin

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *