MATAGAL nang nangyari ang tinaguriang Fight of the Century sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.
Parang hangin lang na nagdaan ang nasabing bakbakan noong Mayo na walang iniwang impact sa mga boxing aficionados. Tanging mga negatibong kritisismo ang naringi sa mga nakapanood sa nasabing laban.
Pero hanggang ngayon ay minumulto pa rin si Sugar Shane Mosley ng pagiging “flop” ng nasabing laban. Hindi pa rin siya makapaniwala na nanalo doon si Mayweather gayong puro takbo ito sa pag-atras para maiwasan ang mga ibinabatong pamatay ni Pacquiao.
Ayon sa huling interbyu kay Mosley nitong nagdaan na linggo, dapat lang na binigyan ng malaking “kredito” ng mga hurado ang pagiging agresibo ni Pacquiao at hindi siya dapat natalo via unanimous decision kay Floyd.
Humirit si Mosley sa kinauukulan na dapat lang na magkaroon ng matinding pagsusuri sa nagging resulta ng laban at makikita doon na ginawa nito ang lahat ng paraan para makuha ang final verdict sa Las Vegas.
“I believe Manny Pacquiao may have won the fight if you look at the statistics for the fight, although nobody talks about it,” pahayag ni Mosley sa World Boxing News nung nakaraang linggo.
“Manny was in the red corner and the red corner won the fight as the red corner threw more punches. I also felt Manny threw more punches, but people just don’t talk about the red corner winning the fight – which was Manny Pacquiao. So there is still a question mark about that.”