Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

It’s Showtime, ilalapit pa sa publiko

101215 karylle vice pastillas
LIVE naming napanood ang pasasalamat ng palabas ng Kapamilya na  It’s Showtime sa Alonte Stadium sa Biñan, Laguna kamakailan.

At gaya ng mga nag-aabang sa kadramahan o katatawanan ng isang Pastillas Girl, hinanap namin ang kontrobersiya at kung ano-anong inirereklamo ng netizen sa kanya.

Grabe naman na raw kasi ang paratang kay Angelica Yap o Pastillas Girl, lalo na ng samahang Gabriela. Dahil may pakontes sa pipiliin nitong Mr. Pastillas. Kaya nang tanghaling ‘yun, nakita naman namin ang katuwaan ng mga manonood sa mga nagguguwapuhang kalalakihang gustong mahirang na Mr. Pastillas.

Kahit pagkatapos ng show na pinuno ng production numbers ng hosts at lahat ng naglaban-laban, nakatsika rin namin si Vice Ganda.

Wala raw siyang mapili for Pastillas Girl sa mga Mr. Pastillas hopeful. Kasi type niya na siya ang piliin ng mga ito. At wala siyang itulak-kabigin sa mga ito dahil crush niya raw lahat!

At sa anim na taon naman nila sa ere, happy si Vice sa mga dumating na pagbabago sa buhay niya.

“Naalala ko kasi ‘yung first birthday ko sa TV, dito sa ‘It’s Showtime’ naganap ‘yun. Eh, pabonggahan. Ang naisip ko gawin na simple lang. At binigyan ng tribute ko ang nanay ko yaman at nasa Amerika na siya that time. Sa kanya ko ‘yun idine-dedicate kasi hindi pa siya umuuwi ng Pilipinas.

“Tapos nagsunod-sunod na ang blessings sa buhay ko. At dahil doon laging ang ibang tao ang naiisip ko. And for a time, there were moments na nakaligtaan ko ang family ko. Marami ring pinagdaanan. Pero nakakabangon naman.”

I asked him how he stays positive in the midst of mga kanegahan.

“As long as you are surrounded by positive people, hawa-hawa na ‘yun. Kaya magkakasama lang kayo sa saya. At kung anuman ‘yung hindi magandang marinig o makita, isaisantabi mo na lang. Masaya na maging masaya ang kapamilya mo!”

Ang masaya ngayon sa It’s Showtime lalapit sila sa mga tao sa mga susunod na ihahatid nilang saya sa iba’t ibang lalawigan na gaya ng Cebu at karatig bayan nito.

 

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …