Gawain ninyo babalik sa inyo
Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.
October 12, 2015
Opinion
NAGPASYA ang United Nations Working Group on Arbitrary Detention na “arbitrary at illegal” ang patuloy na pagkakadetine ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Ibinaba ng UNWGAD ang desisyon matapos ang masusing pagdinig sa petisyon na inihain ng international human rights lawyer na si Amal Clooney na humihiling na palayain ang dating pangulo.
Ayon sa UNWGAD dapat irekonsidera ang kahilingan ng dating pangulo na makapagpiyansa “in accordance with the relevant international human rights standards and to accord Ms. Arroyo with an enforceable right to compensation… for the deprivation of liberty which already occurred.” Malinaw sa kahilingan ng UNWGAD na walang basehan ang mga argumento ng kasalukuyang administrasyong Aquino para sa patuloy na pagkakulong niya. Pero maaari rin na talaga lang mahina ang team na ipinadala ng pamahalaan kasi noong una pa ay binabalewala nila si Ms. Clooney. ‘Ika nga na underestimate nila ‘yung ale.
Paliwanag ni Ms. Clooney, maybahay ng actor na si George Clooney at kaibigan ng pamilyang Arroyo, na kinilala ng UNWGAD na “politically motivated” ang ginagawa ng kasalukuyang administrasyong Aquino laban kay Ms. Arroyo. Idinagdag niya na pinansin ng UNWGAD ang pagsuway ng administrasyon sa kautusan ng hukuman na payagan bumiyahe si Ms. Arroyo sa ibang bansa para magpatingin sa doctor.
“As a result of the exercise of her right to take part in government and the conduct of public affairs” and “because of her political…opinion (Ms. Arroyo was detained),” diin ng abogada.
Pero binaliwala at niliit ng mga opisyal ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III at ng Sandiganbayan, kung saan isinakdal si Ms. Arroyo, ang desisyon ng UNWGAD. Sabi nila hindi maaring makialam ang UN sa kasong kinasasangkutan ng dating pangulo. Wala daw epekto at hindi “legally binding” ang desisyon. Idiniin pa nila na “non-bailable” ang kaso na plunder ni Ms. Arroyo.
Alam kaya ng mga ito ang sinasabi nila? Nakalimutan kaya nila na may kaso silang isinampa sa UN laban sa Tsina dahil sa pagkamkam nito ng ating teritoryo? Kung hindi nila papansinin at iinsultuhin pa nila ang UN eh paano kung ganun din ang gawin ng Tsina kaugnay ng kaso na inihain natin laban sa kanila?
* * *
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.