Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 MTPB timbog sa kotong

ARESTADO ang dalawang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa mga operatiba ng Manila City Hall-Manila Action and Special Assignment (MASA) sa entrapment operation bunsod ng mga reklamo laban sa kanila sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni MASA chief, Chief Insp. Bernabe  Irinco, Jr. ang mga suspek na sina Joselito Garcia, 46, ng Road 4, Benita St., Gagalangin, Tondo, Maynila, at Marvin Cannaoay, 32, residente ng Int. 17, Burgos St., Paco, Maynila.

Sinabi ni Irinco, matagal nang inirereklamo ang ilang mga tauhan ng MTPB sa lugar ngunit hindi nila matiyempohan ang mga suspek.

Dakong 3 p.m. nitong Biyernes nang ikasa ni SPO2 Nicanor Zablan III at PO2 Joel Delos Santos ang entrapment operation makaraang maghain ng reklamo ang isang  Erickson Unday sa panulukan ng Recto at Evangelista Streets, Sta. Cruz, Maynila .

Sa pahayag ni Unday, humihingi sa kanya ng pera ang tatlong MTPB personnel makaraan siyang sitahin dahil sa traffic violation. 

Lumilitaw na una nang nahuli si Unday ng nabanggit na traffic enforcers at nagbigay siya ng P1,500.

Sa pangalawang pagkakataon ay walang pera si Unday kaya minabuti niyang iwan ang kanyang lisensiya kina Garcia at Cannaoay at humingi siya ng tulong sa MASA.

Agad naglaan ng mark money si Irinco at isinagawa ang entrapment operation at mabilis na nadakip sina Garcia at Cannaoay habang nakatakas ang isa pa.

Nakatakdang sampahan ng kasong robbery extortion sa Manila City Prosecutor Office sina Garcia at Cannaoay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …