Convention ng oposisyon sa Pasay naunsiyami!
Rex Cayanong
October 11, 2015
Opinion
Hindi natuloy ang sana’y convention ng grupo ng oposisyon sa Pasay City na naka-schedule sana noong Oktubre 3 (2015) na binubuo ng tatlong malalaking grupo na pagpipilian sana ng magiging kandidato para alkalde.
Una nang napagkasuduan na idaraos ito at ihaharap sa 200 delagado ang mga pangalan ng pipiliing kandidato ngunit tila may nag-ahas sa grupo at sadya na itong hindi itinuloy.
Sa unang usapan, bubuo ng delegasyon para sa convention para pagpilian kung sino kina former Congressman Lito Roxas at outgoing Councilor Richard Advincula ang karapat-dapat na maging standard bearer ng United Opposition ng lungsod Pasay.
Ang convention ay pamumunuan sana at pamamahalaan nina Atty. Bernabe Carvajal at Atty. Quial ngunit on the last minute, tila may ilang nag-Hudas kay Councilor Advincula at sa halip napagpasyahan na ngang si Dr. Roxas na ang gawing kandidato sa pagka-alkalde katambal si incumbent Vice Mayor Marlon Pesebre.
Ayon sa ating sources, ang hakbang na pagtatalaga kay Dr. Lito Roxas para maging standard bearer ng oposisyon ng lungsod para sa 2016 elections ay pinamunuan mismo ni Vice Mayor Marlon Pesebre, Councilors Lex Ibay at Allan Panaligan.
Sa halip na magdaos ng convention, nagdaos ng isang sikretong meeting ang oposisyon less Councilor Richard Advincula nitong Setyembre 28 (2015).
Setyembre 29, nagtungo ang grupo ng oposisyon, again minus Councilor Richard Advincula sa Coconut Palace na kinaroroonan ng tanggapan ni VP Jojo Binay ng United Nationalist Alliance (UNA).
On September 30, nanumpa na sa partido ng UNA si Roxas at ilan pang kandidato ng United Opposition.
Napili na rin si Roxas para maging kandidato ng oposisyon at ng UNA para alkalde ng Pasay City.
Itinalaga rin si Dr. Roxas bilang chairman ng UNA sa Pasay.
Bakit tila binaraso ang nomination ni Dr. Lito Roxas bilang standard bearer ng oposisyon? Bakit sadyang initsapuwera si Councilor Richard Advincula sa mga hakbang na ginawa ng oposisyon?
Totoo bang sina Vice Mayor Pesebre at Councilors Lex Ibay at Allan Panaligan utak sa likod ng plot na ito versus Councilor Advincula?
May katotohanan din ba na naging ‘main consideration’ sa pagpili ng tatlo (Pesebre, Ibay atPanaligan) kay Dr. Roxas over RA (Richard Advicula )ay pera o pondong umaabot sa P150-M na sad to say ay wala si Councilor Advincula?
Kung sina Pesebre, Ibay at Panaligan ang itinalaga bilang party operators ng alyansang Connie Dy, Peewee Trinidad at Lito Roxas sa Pasay, kanino kayang interes ang isinusulong ng 3 ‘operators’?
Interes nga ba ng bayan, interes ng kanilang partido o interes na pampersonal na ang tutok o foresight ay 2019 local elections.
Malalim po ang mga agendang posibleng nasa kukote ng tatlong ‘itlog’ este operators ng United Opposition kaya nga taimtim nating susubaybayan ang kanilang magiging paggalaw sa mga darating na araw.
Wala kayang mangyaring ‘LAGLAGAN’ sa panig ng tatlong malalaking grupo na bumubuo sa United Opposition?
May kasunod… Abangan!
Speaking of Pasay City, napasa-kamay ng inyong lingkod ang kopya ng resulta ng isang independent survey na kinomisyon sa pagitan ng September 26-28, 2016 para sa posisyong kinatawan at alkalde ng siyudad.
Sa total respondents na 3,350 sa Unang Distrito ng Pasay for MAYOR; Number 1 pa rin at malayo ang bilang ni incumbent Mayor Antonino ‘Tony’ Calixto sa pigurang 1,464 (43.7%). Sinundan ito ni Councilor Rochard Advincula na nakakuha ng 1,161 (34.6%)samantalang poor 3rd place lamang si Dr. Lito Roxas na may nakopong 725 or 21.6%.
Sa District 2, bandera pa rin si Mayor Calixto 2,469 or a total of 64%, sinundan ni Advincula na may 710; 18% at Roxas na kulelat na naman na may 671 o mababang 18 percent.
Sa pagka-Kinatawan naman ng lone district ng Pasay (District 1), nasa number 1 position at milya-milya ang lamang ni incumbent Congresswoman Emi-Calixto Rubiano na may 2,538 or equivalent to 64%, pumangalawa naman si Councilor Advincula pa rin na may 727 (19%) at sa huli si Dr. Roxas na mayroon lamang 548 (15 %).
‘Di rin nabago ang entire picture sa District 2 na lamang pa rin si Congresswoman Calixto-Rubiano with 2,538 or 70 percent , Richard Advincula 727 ( 19%) at Dr. Lito Roxas na 585 o (15%).
Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday to Friday 2:00 – 3:00 p.m. Mag email sa [email protected]