Friday , November 15 2024

Bingo na si Binay?!

00 Bulabugin jerry yap jsyMALAPIT na nga raw mag-BINGO o ma-BINGO si Vice President Jejomar Binay.

‘Yan ay matapos niyang ideklara na ang kanyang magiging vice presidente para sa 2016 elections ay si beteranong mangungudeta na si Gringo Honasan — isa ring liping Bicolano, gaya ng iba pang-vice presidentiable.

Kaya kapag pinagsama raw ang kanilang pangalan — BINAY plus GRINGO equals BINGO!

‘Yun lang hindi siya sigurado kung para saan ang BINGO?!

Mukhang may nalilimutan si VP Binay.

Ang pagko-coin ng mga salita para ibenta ang isang ideya o produkto ay nagiging epektibo kung walang bahid na ano mang negatibo.

Uulitin ko, hindi natin pinagdududahan ang kapasidad ni Binay bilang isang lider. Marami na siyang pruweba tungkol diyan.

Pero ang pinag-aalinlanganan natin, ang kahinaan ng kampo ni Binay na ipagtanggol siya sa isyu ng korupsiyon.

Gaya ni Manny Villar, dinaluyong din ng isyung korupsiyon sa C-5, sa ganito rin isinasangkot ang pamilya Binay pero hindi nila ito matikas na naipagtanggol.

Huwag kalilimutan na naitumba nang ganoong klase ng operasyon  si Villar pero hanggang natapos ang eleksiyon at ang termino ng ‘yumari’ sa kanya, walang kasong isinampa laban kay Villar.

Ang mga Binay ay sinampahan ng kaso sa Ombudsman kaugnay ng mga bintang na korupsiyon sa kanilang teritoryo.

Nitong nakaraang linggo lang, nagdesisyon ang Ombudsman na sibakin sa puwesto si Mayor Junjun at pinagbawalang tumakbo sa alin pa mang public office. Pero hindi pa ito pinal at pwede pang iapela.

Iisa ang malinaw, tuloy ang laban ni Binay… hindi lang natin tiyak kung kanya ang tagumpay…

BINGO na nga ba, VP Binay?!

May pagbabago bang ihahatid ang deklarasyon ni Bongbong M?!

Aminin natin sa hindi, patuloy mang tawaging anak ng diktador si Bongbong Marcos, malakas pa rin ang karisma ng kanilang pamilya sa masa.

Lalo na’t hindi naman talaga nagtagumpay ang mga sandamakmak na kilusang pagbabago para baliktarin ang tatsulok at ilagay ang masa sa tuktok.

Sabi nga ni John Lennon, let’s give peace a chance. Palagay natin ‘e may karapatan naman si

Bongbong na tubusin ang kanilang pangalan sa pamamagitan ng pagtakbo sa mataas na posisyon.

Pero hindi naman ito garantiya na maghahatid siya ng pagbabago sa lipunan. Kasi nga ganoon pa rin ang namamayaning sistema — bulok pa rin.

Naniniwala tayo na ang sino mang presidente kapag hindi tumangan sa tamang prinsipyo ng paglilingkod sa sambayanan ay paulit-ulit na magiging biktima ng iba’t ibang puwersang may kanya-kanyang interes sa loob ng isang administrasyon o rehimen.

Ang sistema ng ating lipunan ay malaon nang pinaiikot ng malalaking burgesya komprador at mga asendero na nagluwal ng mga bugok na salinlahi at sila nilang sinasanay para pumasok sa politika sa ating bansa.

Kaya huwag tayong magtaka kung bakit hindi umaahon sa bulok na sistema ang ating bansa.

Gusto lang nating ipunto, hindi tutubusin ng isang tao ang kamangmangan natin sa politika kaya patuloy tayong naghahalal ng mga bulok na politiko.

Hindi Marcos, hindi Aquino, hindi Roxas o kahit na isang Binay na walang bahid ng pagiging burgesya komprador o asendero ang magliligtas sa atin mula sa kabulukan sa ating bayan.

Sila ay PIGURA lamang.

Ang tunay na magliligtas sa atin sa kabulukan ay pagkakaisa para baguhin ang isang bulok na sistemang paulit-ulit na namamayani sa ating bansa.

At alam natin na ang pagbabagong ito ay hindi inihahatid ng isang eleksiyon at iisang tao lamang.

Huwag kalilimutan, tuwing eleksiyon, paulit-ulit nating naririnig ang pare-parehong apelyido pero pagkatapos ng elekisyon — ganoon at ganoon pa rin ang ating kinasasadlakan.

Sana, ang mga PIGURANG nabanggit natin sa itaas ay sabay-sabay na magkaroon ng diwang makabayan para kalabanin mismo ang kanilang sarili at interes ng lahing kanilang pinagmulan upang labanan ang mga lokal at dayuhang puwersa na tunay na kumokontrol sa ating lipunan.

Kayanin kaya ‘yan ng henerasyon ng mga spoiled brat?!

Plastikan sa Liberal Party

MAGHAWAK-KAMAY kaya sina sinagad-to-the-bones ang public office bago magbitiw na si TESDA Director Joel ‘bulsanueva’ ‘este’ Villanueva at outgoing Justice Secretary Leila De Lima Kapag nagkatabi sa event ng Liberal Party sa pangangampanya?!

E ‘di ba kasama si Joel Villanueva na dating congressman ng Bocaue, Bulacan na sinabing nakinabang sa pork barrel scam ni Janet Napoles sa sinampahan ng kaso ng Department of Justice (DoJ) under De Lima?

Hindi kaya magkaroon ng matinding tensiyon ‘yan tuwing magkakatabi ‘yung dalawa?!

Tsk tsk tsk…

Kunsabagay, wala naman kasalanan diyan si Madam Leila.

Dokumento ang nagtakda kung bakit naisama sa demanda si bulsanueva ‘este Villanueva.

Anyway, alam naman nating henyo sa salisihan ang ilang campaign expert ng LP kaya naniniwala tayo na maha-handle nang mahusay ‘yan.                                                        

Ano man ang kahinatnan ng eleksiyon sa Mayo 2016, iisa lang tiyak na magaganap — sisigla nang konti ang ekonomiya dahil magpapakawala ng ‘BARYA’ ang mga politikong sandamakmak ang kuwarta.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *