Saturday , November 16 2024

Pinagkaisa sa Caloocan (Magkakaibang partido…)

ITO ang buong pagmamalaking sinabi ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa pormal na pagpapakilala sa kanyang mga makakasama sa halalan sa susunod na taon.

“Kung sa national ay nagbabangayan ang iba’t ibang political party, iba kami sa Caloocan dahil napagsama-sama natin ito sa partidong “Tao ang Una” na tayo ang nagtatag kasama ang mga kaibigan na katulad natin ay nagmamahal sa ating lungsod” sabi ni Malapitan.

Ang “Tao Ang Una” ay unang naging campaign slogan ni Malapitan nang tumakbo at manalo bilang alkalde ng lungsod noong nakaraang halalan.

Noong September 15, 2015 ay inaprubahan ng Comelec upang maging ganap na local political party. Kasama sa line-up ni Malapitan na miyembro ng United Nationalist Alliance (UNA) si Vice Mayor Macario Asistio III na kasapi ng Partido ng Masang Pilipino, Cong. Egay Erice ng Liberal Party at mga konsehal sa dalawang distrito na nagmula rin sa iba’t ibang magkakalabang partido.

Dumalo rin at nagpahayag ng suporta sa bagong partido ang mga dating magkakalabang mortal na sina dating Cong. Luis Baby Asistio at dating Mayor Rey Malonzo, gayon din si dating Vice Mayor Tito Varela.

Ayon kay Malapitan, ang pagsasama-sama ng mga dating magkakalabang politiko ay nagpapakita lamang na kontento sila at ang mamamayan sa kanyang pamumuno at ito umano ang magiging daan para sa patuloy ng pag-unlad ng lungsod. 

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *