Monday , December 23 2024

OTS sa NAIA dapat na nga bang lusawin?

OTS“TO protect the airport and country from any threatening events, to reassure the travelling public that they are safe and secured.”

‘Yan daw ang tungkulin ng Office of Transportation Security (OTS).

‘Yan din siguro ang dahilan kung bakit tila inabuso ng ilang mga tiwaling opisyal.

At dahil diyan, marami umanong government officials and employees na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ang humihiling sa Office of Transportation Security (OTS) na nakatalaga sa X-ray, friskers at bag inspectors na dapat silang isailalim sa airport authority.

“Kailangan may kinatatakutan sila (OTS) because if they committed mistakes, their own officials will investigate their own people and what do we expect,” anang mga mamamahayag.

Nilinaw ng General Manager ng MIAA na ang screening inspectors na namamahala sa security screening checkpoints sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ay nasa ilalim ng direktang pamamahala ng Office for Transportation Security (OTS).

“Ang screening inspectors na magkakamali sa NAIA ay direktang mananagot sa OTS hindi sa MIAA. O kaya ay sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na kinikilala ng International Civil Aviation Organization (ICAO).

Magugunitang ang OTS ay nilikha sa pamamagitan ng Executive Order #277 noong Enero 30, 2004 sa ilalim ng Department of Transportation and Communication (DOTC) na nilagdaan ni dating-president Gloria Macapagal Arroyo on April 26, 2004 sa Executive Order 311s.

Lumitaw ang pagbusisi sa OTS staff na nasa NAIA matapos ang sunod-sunod na pagkaka-aresto sa mga pasahero dahil sa mga balang natatagpuan umano sa loob ng kanilang bagahe.

Tsk tsk tsk…

Kailangan talaga ng masusing imbestigas-yon dito.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *