Monday , December 23 2024

Bistek Senador o Mayor?!

051515 herbert bistekMEDYO nag-iisip daw si Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista kung senador o mayor ang kanyang tatakbuhan para sa 2016 elections.

Nililigawan daw yata ng Malacañang si Bistek para maisama siya sa walong pangalan para sa Liberal Party senatorial slate.

Kaya lang, mayroon pang isang term si   Bistek bilang mayor ng Kyusi.

Kaya mabigat na desisyon para sa kanya kung alin ang pipiliin niya — Kyusi o Senado.

Anyway, masuwerte na rin si Bistek ‘yung ibang politiko nga walang option, kasi kahit gustuhin nila ayaw naman sa kanila ng constituents nila…

Sakali raw makapadesisyon si Bistek  na tumakbong Senador, e mapupursige rin si Vice Mayor Joy Belmonte na tumakbong mayor.

Okey namang magpahayag ng kani-kanilang opinyon ang mga politiko. Pero ang napuna lang natin sa eleksiyong ito, parang nawalan na ng delicadeza at respeto sa partido ang mga politiko.

‘Yun bang tipong hindi na naghihintay ng endorsement ng partidong kinabibilangan nila, bigla na lang pumoposisyon at nagsasalita kung ano ang tatakbuhan nila kahit hindi pa dumaraan sa wastong proseso.

Gaya nga ng pahayag na ‘yan ni VM Joy B.

Hindi ba pwedeng political party ang mag-announce kung ano man ang mga political plan nila?!

Mukhang hindi aral sa batas ng organisasyon ang bagong henerasyon ng mga politiko.

‘Yan din siguro ang isang dahilan kung bakit magulo ang politika sa bansa. Marami nang politiko ang hindi na maituturing na organiko.

Kanya-kanyang desisyon at diskarte sila at hindi sumusunod sa disiplina ng partido.

Anyway, ano man ang maging desisyon ni Bistek para sa 2016 elections, sana lang ay malinaw na may basbas ng partido at dumaan sa tamang deliberasyon at proseso.

O ‘di ba naman?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *