Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, ‘di maka-get-over sa halikan nila ni Jen

100115  jennylyn mercado sam milby
COLOR them pink!

Which is the color of love! At nakadagdag pa ‘ata na namayani ang kulay rosas sa venue ng The PreNup nina Jennylyn Mercado at Sam Milby for Regal Entertainment.

Walang problema! Sobra-sobra yata ang kemistri ng dalawang idinirehe niJun Robles Lana sa mga romantikong sulok ng New York, USA.

Marami na ring couples ang sumasailalim sa pre-nuptial agreement sa panahon ngayon kaya pasok sa banga ang tema ng romance-comedy na may gay couple na involved na gagampanan nina Gardo Versoza at Dominic Ochoa.

Kung napaliwanagan tayo sa history sa buhay ng isang Heneral at nabuksan ang mata at isip ng nakalugar sa buhay ng mistress at misis, sa  The PreNup naman eh, ang pros and cons ng isang kasunduang isip at puso pa rin ang magdedesisyon.

Ang dalawang bida, kahit nagsusumigaw na ang mga kilos sa pagiging sweet sa kanilang simpleng “landian”, hindi pa rin makahirit ng deretsahang sagot kung may ligawan na bang nagaganap.

Ang Sam, ayaw isipin ng tao na liligaw siya dahil kasama niya sa pelikula. Kaya in the waiting kumbaga.

Ang Jennylyn naman, nang may magkomentong baka naman daw dahil may Dennis Trillo na napapabalitang boyfriend niya kaya hindi rin siya makaamin eh, buong ningning na kinompirmang hindi niya syota ang aktor. At halos manlaki ang mga mata sa pagsasabi niyon, ha!

Cute naman ang mga eksena nila sa pelikula na marami raw matutunghayang halikan sa mga eksena nila.

Ang aminadong torpe pagdating sa panliligaw sa tunay na buhay na si Sam, sinabing isa sa mga kissing scenes na ‘yun ang hindi niya makakalimutan sa mabait, masarap kasama, at kaligaw-ligaw na dalagang inang ang haba ng buhok eh, abot hanggang Staten Island sa tuktok ng estatwa ni Liberty!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …