Sa ganyang sitwasyon ngayon mailalagay ang takbo ng mga pelikulang nagtatagumpay sa takilya gaya ng umabot na sa P160-M mark na Heneral Luna at Etiquette for Mistresses” na umariba naman sa first day of showing pa lang.
Kaya naman sa celebration ng Jubilee Year ng Lungsod ng Quezon, sasabak ang Quezon City International PINK Festival mula October 6-11, 2015.
Ayon sa Festival Director na si Nick Deocampo, matutunghayan ng mga manonood sa Gateway Cinema 1 sa Araneta Center ang mga Berlin Festival prizewinners na nakabilang siya sa 2015 film jury sa TEDDY Awards na isang section para sa pagpapalabas ng LGBT Films.
Kaya naman pati ang producer ng itinuring na hottest film sa LGBT film circuit na si Chris Amos ng Dressed As A Girl ay darating sa bansa para siyang mag-introduce sa kanyang pelikula na matutunghayan pa sa October 9.
Ang mga mapapanood naman mula sa local scene ay ang Esprit de Corps, Esoterika Maynila, I Love You Thank You, Pinoy Transking, at ang mga short film na Julie mula sa Cebu at ang Fil-Am film na Shunned.
Dahil sa tagumpay nito last year, mas magiging makabuluhan ngayon angQCIPFF2 dahil sa Gender Fair Ordinancena ang layunin din ay ang mailapit sa masa at sa komunidad ang film screenings ng mga nasabing pelikula.
Don’t miss this!
HARDTALK – Pilar Mateo