Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy, sinuntok daw ni Enrique

100815 jessy enrique

00 SHOWBIZ ms mHANGGANG ngayo’y palaisipan pa rin sa marami kung ano nga ba ang talagang nangyari kina Jessy Mendiola at Enrique Gil nang magtungo ang grupo ngASAP20 sa London.

Marami nang bersiyong lumabas, pero never pa nating narinig nagsalita si Jessy. Nariyang siya pa ang na-bash ng fans ng batang actor. Bagamat humingi na rin ng sorry ang actor ukol sa nangyaring insidente sa eroplano, marami pa rin ang nagtatanong sa totoong nangyari.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, isang pasahero rin ng eroplano ang nakausap namin at nasaksihan niya ang insidente. Hindi na sana siya magsasalita, pero naaawa raw siya kay Jessy na tila ito na ang naagrabyado eh, ito pa ang kinakawawa.

Anang aming source, imposibleng hindi mapansin ang ginagawa noon ni Enrique kay Jessy dahil sobrang ingay nito na umabot pa sa pisikal. Sinuntok daw kasi nito si Jessy sa braso na naramdaman ng noo’y katabi ng aktres na si Luis Manzano. Roon na raw hindi nakapagpigil ang anak ni Gov. Vilma Santos kaya naman nasakal nito si Quen (tawag kay Enrique).

“Naramdaman na rin siguro ni Luis ang lakas ng suntok kasi nga katabi niya si Jessy. Kaya tumayo ito at sinakal niya si Enrique,” paglalahad sa amin ng source.

“Tapos nadamay pa si Liza Soberano nang lumapit ito para patigilin sa ginagawa ang actor. Pero, ang ginawa, minura niya si liza kaya sinampal ni Liza si Quen,”kuwento pa ng aming kausap.

Idinagdag pa ng aming source na sinabihan pa raw ni Quen si Jessy na paglapag ng eroplano ay pupuntahan niya raw ito sa kuwarto ng hotel.

Marami pang kuwento ang naglabasan ukol sa insidenteng ito. Pero ang latest, tila bubuwagin na ang tambalang LizQuen. Epekto kaya ito ng insidente sa eroplano? Hindi na rin sila ang makakasama sa pelikula nina Kris Aquino at Herbert Bautista at papalitan na sila ng KimXi (Kim Chiu at Xian Lim).

Bukas ang aming pahina para sa side ni Enrique ukol pa rin sa bagay na ito.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …