Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 parak sinibak sa Malabon (Natutulog sa pansitan)

SIBAK sa puwesto ang limang pulis kabilang ang kanilang opisyal makaraan maaktohan ang isa sa kanila na natutulog habang nagrarambulan sa harapan ng kanilang estasyon ang dalawang grupo ng mga kabataan kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Kasalukuyang nasa Administration Holding Unit si Insp. Joseph Dionaldo, hepe ng Police Community Precint (PCP-8), at kanyang mga tauhan na sina SPO2 Tomas Murillo, PO2 Luis Alojacin, PO1 Fortunato Espiritu Jr., at PO1 Orlando Gonzales, pawang nahaharap sa kasong administratibo.

Nauna rito, apat kabataan ang sugatan nang magrambolan ang dalawang grupo ng gang sa harap ng estasyon ng pulisya sa P. Aquino Avenue, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Ang dalawang grupo ay kinabibilangan ng mga kabataang may gulang na 11 hanggang 15-anyos, armado ng baseball bat, tubo, espada at sumpak.

Napag-alaman, nagpapatrolya ang mga pulis sa Perez St. ng nasabing barangay habang isa ang naiwan sa himpilan na siyang inabutan ng news team ng isang TV station na natutulog habang may nagaganap na rambolan sa labas.

Sa panig ng pulisya, binigyang-diin nilang dati nang problema ng kanilang lugar ang mga kabataang nagra-riot na pinakakawalan din makaraang ibigay ang kustodiya sa Department of Social Welfare and Development.

Pulis na natutulog kastigohin — Sec. Sarmiento

PINAKAKASTIGO ni DILG Sec. Mel Senen Sarmiento sa mga concerned station commander o chief of police (COP) ang ilang pulis na nahuling natutulog sa kanilang presinto habang naka-duty partikular sa Malabon.

Kinilala ang pulis na PO2 Luis Alojacin, nakatalaga sa Police Precinct 8 ng Malabon City Police Office.

Nangyari ang insidente kahapon ng madaling araw sa harap ng insidente ng rambol ng mga menor de edad, halos sa tapat lamang ng community precinct.

Sa isinagawang “Oplan Lambat Sibat” weekly assesment conference kahapon sa Kampo Crame, halata ang pagkadesmaya ni Sarmiento sa pangyayari at iginiit na hindi tama ang naging kapabayaan ng nasabing pulis.

Pahayag ni Sarmiento, hindi makatuwirang natutulog sa duty ang isang pulis gayong ang mga kapwa pulis ay nagpupursige sa kanilang trabaho.

Pahayag ng kalihim, nararapat lamang na patawan ng kaukulang disiplina ang ganitong uri ng unipormadong pulis na maituturing na panira sa pagsisikap ng pambansang pulisya na iangat ang imahe sa mata ng publiko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …