Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

14-anyos dalagita tinurbo sa nitso

CAUAYAN CITY, Isabela – Desididong ipakulong ng pamilya ng 14-anyos dalagita ang isang tricycle driver na gumahasa sa biktima sa Lungsod ng Ilagan kamakalawa.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Ana habang ang suspek ay si John Kenneth Umayyam, 26-anyos, may-asawa at residente ng Calamagui 2nd, Ilagan City .

Sa pahayag ng tiyahin ng biktima, sasampahan si Umayyam ng kasong rape in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law.

Galing aniya ang kanyang pamangkin sa isang tindahan ngunit napainom nang nakalalasing na inomin kaya nahihilo na nang pumapara ng tricycle.

Nang matapat ang tricycle na minamaneho ni Umayyam ay sumakay ang dalagita at nagpahatid sa kanilang bahay ngunit iniliko ng suspek ang tricycle patungo sa sementeryo.

Bagama’t nanlaban si Ana at kinalmot ang suspek ay nadala siya sa ibabaw ng nitso at doon isinagawa ang panghahalay sa kanya

Ang suspek ay pamilyar sa biktima dahil minsan na niyang nasasakyan ang tricycle ni Umayyam.

Kasama ni Ana ang mga pulis na nagmanman sa lugar kung saan siya isinakay ni Umayyam hanggang makita ang pulang tricycle ng suspek.

Nang lapitan siya ng mga pulis ay nakita ang sariwa pang kalmot sa kamay ni Umayyam.

Ayon pa sa tiyahin ng biktima, ilang beses nang nagtungo sa kanila ang mga kamag-anak ng suspek para makipag-ayos ngunit desidido silang ipakulong si Umayyam.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …