Monday , December 23 2024

“Felix Manalo” palabas na sa 312 sinehan (In terms of box office hit )

093015 Dennis trillo Felix Manalo
TIYAK na na raw na tatabo sa takilya ang pelikulang Felix Manalo.

‘Yan ay kung pagbabasehan ang resulta ng mga nanood sa idinaos na premiere night ng “Felix Manalo” noong Linggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, sa kabila ng hindi magandang panahon noong araw na iyon ay dinagsa pa rin ng 43,624 na majority ay miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Kasama na riyan ang mga hindi kapatid o kaanib na kinabibilangan ng mga invited na entertainment press na iba-iba ang relihiyon.

At ‘yung pila-pilang mga bumibili ng advance ng kanilang mga ticket para sa grand opening day ng malaking pelikula ni Dennis Trillo, na simula ngayon, Miyerkoles, Oktubre 7, ay palabas na sa 312 sinehan sa buong bansa.

Aba’y hindi na natin kailangan pa ng calculator, siguradong tatabo sa takilya ang nasabing epic movie mula sa obra ng premyado at multi-awarded director na si Joel Lamangan.

Honest napaka-realistic ng pagkakagawa ni Direk Joel sa film at naisalawaran talaga ang kabuoan ng buhay ni Ka Felix Manalo mula pagkabata, pagkakaroon ng dalawang asawa na si Arci Muñoz ang gumanap na first wife na maagang namayapa at si Bela Padilla naman bilang Ka Honorata na second wife ni Ka Felix. Nagkaroon sila ng maraming anak kabilang na rito sina Ka Eraño at Ka Eduardo Manalo.

Malinaw na ipinakita sa pelikula kung bakit magmula sa pagiging lehetimong Katoliko na kinagisnan ng kanyang pamilya ay nagpalit ng kinaaanibang sekta si Ka Felix.

Nakita kasi niya na may mali sa mga itinuturo ng mga pastor sa sinasambahan nila ni Honorata at wala sa Biblia ang ipinapangaral.

Hanggang pinag-aralan niya ang nilalaman ng Biblia at mula roon ay nagdesisyon siyang ipangaral kung ano ang tama hanggang itayo niya ang Iglesia Ni Cristo.

Marami ang tumuligsa kay Ka Felix at dinanas ng kanyang pamilya at maraming kaanib ang pangha-harrash ng mga sundalong Hapon noong panahon ng giyera.

Hindi niya sinukuan ang mga pagsubok at sa tulong at pananalig sa Panginoong Jesus Cristo ay kanyang nalapagsan.

Acting wise, triple ang husay at galing ng portrayal dito ni Dennis na hanggang sa pagtanda ni Ka Felix ay buong husay niyang nagampanan.

Ganoon din si Bela na lumebel kay Dennis sa kanyang performance at convincing ‘yung pareho nilang pagtanda ng Kapuso actor.

Kaya sa susunod na taon ay posibleng sina Dennis at Bela ang maghakot ng Best Actor at Best Actress Award sa iba’t ibang award giving bodies at siyempre deserving din si Direk Joel na manalo at ang mismong pelikula bilang “Best Picture.”

Kudos sa iba pang malalaking artista na part ng movie kabilang sina Gabby Concepcion, Mylene Dizon, Yul Servo, Jacklyn Jose atbp. Ganoon na rin sa matinding effort ng Viva Films at kanilang team na ginawa ang lahat para lumabas na makatotohanan at mapanood nang lahat ang walang labis, walang kulang na istorya ng buhay ng kauna-unahang executive minister at founder ng INC na si Ka Felix Manalo.

Gusto naming pasalamatan si Ms. Salve Asis at ang staff ng Viva at INC sa magandang treatment nila sa press people na alaga nila mula sa komportableng sasakyan at masasarap na pagkain na kanilang inihanda sa buffet na nag-enjoy ang lahat. Dito rin namin nakita ang sikreto kung bakit nagtagumpay ang Iglesia Ni Cristo na umabot na sa buong mundo at ‘yan ay pagkakaisa ng bawat isa.

Sa premiere night pa rin ay nakamit ng INC para sa pelikula nilang Felix Manalo ang karagdagang records na naitala sa Guinness World Records, na iginawad noong gabi sa film premiere bilang “Largest Attendance for a Film Screening” at “Largest Attendance for a Film Premiere.”

Mismong ang mga representative at adjudicators ng Guinness na sina Marco Frigatti at Victoria Tweedey ng United Kingdom ang present at nanoood ng magarbong premiere night ang personal na nag-abot ng certificate sa INC at kay Boss Vic del Rosario para sa dalawang bagong record na ito.

Mabuhay sa the best historical-biographical film gyud!

THANKSGIVING DAY NG KATHNIEL SA BIÑAN, LAGUNA DINUMOG NG LIBO-LIBONG FANS & SUPPORTERS

100715 kathniel Daniel Kathryn

Maswerteng fan naiuwi ang polo ni Daniel Padilla

Super deadma sa sungit ng panahon ang fans at supporters ng Primetime Bida series na “Pangako Sa ‘Yo,” na sumugod at nanoood sa ginanap na thanksgiving show ng ABS-CBN last Sunday sa Biñan Laguna.

Tagumpay ang #ThankYouKapamilya ng PSY sa Alonte Sports Arena Carpark sa Biñan sa kabila nga ng biglang pagbagsak ng ulan. Pinanguhan ng hottest love team na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang nasabing special event na handog nila sa lahat ng fanatic fans at avid viewers ng kanilang top-rating teleserye.

Nakisaya rin sa event ang iba pang members ng cast, kabilang na rito sina JK Labajo, Andrea Brillantes, Grae Fernandez, Vivieka, Pamu Pamorada, Sarah Carlos, Jan Marini, Dominique Roque at Diego Loyzaga.

Siyempre, pwede bang mawala ang isa pang loveteam na kinakikiligan ng Kapamilya viewers?

Hiyawan din ang audience nang lumabas sa stage sina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion, na gumaganap bilang sina Amor Powers at Eduardo Buenavista. Hindi magkamayaw ang mga tao sa venue nang mag-duet sila. Pero mas naging wild ang mga tao nang halikan ni Ian si Jodi.

Sa panayam kay Ian, inamin niyang magkahalong kaligayahan, kaba at hiya ang nararamdaman niya habang kumakanta sila ni Jodi.

“Natatawa na nahihiya kasi I guess because of my age. Feeling ko alaskado ako kay Kath at kay DJ so ‘yun, pero nakatutuwa, nakapa-flatter kapag nagugustuhan ng mga tao ‘yung scenes namin kapag napapanood, maganda ‘yung feedback,” pahayag ng aktor.

Samantala, hindi rin makapaniwala si Jodi sa naging pagtanggap sa kanila ng mga taga-Laguna, “Nakatutuwang malaman kung ganoon, kasi siyempre iba rin ‘yung effort at ‘yung heart na ibinibigay namin sa trabaho namin at para magustuhan nila ‘yung tandem namin ni Ian, s’yempre nakatataba ng puso.”

Muling pinatunayan naman nina Kathryn at Daniel na sila pa rin ang Teen King & Queen dahil halos magkagulo na ang fans nang mag-duet sila on stage.

Binigyan din nila ng chance ang kanilang supporters na magtanong sa kanila.

Isang KathNiel fan, naman ang maswerteng nakapag-uwi ng long-sleeved polo na suot ni Daniel sa nasabing mall show. Sa bago nilang episode ayaw pa rin tantanan ni Claudia Buenavista (Angelica Panganiban) si Yna (Kathryn) na dahil lang umibig sa kanyang binatang si Angelo (Daniel) ay sinisira niya ang kinabukasan at pati pamilya ay kanyang idinadamay sa kanyang kawalanghiyaan. Dahil apektado na ang kanyang pamilya, mukhang susukuan na rin ni Yna ang pag-ibig kay Angelo.

Tuluyan na kayang magtagumpay si Claudia na mapaghiwalay ang dalawa?

Abangan ang kasagutan sa lalong painit na painit na kuwento ng pag-iibigan nina Angelo at Yna ganoon na rin ang nakaraang pag-ibig nina Amor Powers (Jodi) at Eduardo (Ian) na muling nabubuhay dahil sa anak nilang si Maria de Jesus o Yna.

Napapanood ang Pangako Sa ‘Yo gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng number one teleserye ngayon sa primetime ni Coco Martin na “Ang Probinsyano.”

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *