Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eksenang halikan at lampungan nina Jen at Sam sa The PreNup, tila totoo!

100115  jennylyn mercado sam milby

00 SHOWBIZ ms mHINDI kataka-taka kung maraming barako at kahit mga babae ang humahanga sa kaseksihan at kagandahan ng katawan ni Jennylyn Mercado. Tunay naman kasing Woman of Desire si Jen!

At masasaksihan ang kariktan ni Jen kasama si Sam Milby sa Ultimate Kilig Movie of The Year, ang The PreNup mula Regal Entertainment ngayong Oktubre 14.

Huling napanood si Jen sa 2015 MMFF surprise blockbuster na  English Only, Please! Hindi lang ganda ng mukha at taglay na alindog ang hinangaan sa kanya kundi ang galing niya sa pag-arte sa romantic-comedy film dahil pinataob niya ang kalabang aktres at iniuwi ang Best Actress Award ng 2015 MMFF.

Kuminang pa ang pagiging aktres ni Jennylyn nang tanghaling Sexiest Woman ngFHM. Taglay ang face to love and body to die for kaya siya ang nanaig sa lahat ng nagseseksihang artistang babae na kasabayan niya. Dahil dito, lalong nagnining ang bituin ni Jen kaya naman walang tigil ang dating ng biyaya sa kanyang career.

Sa Oktubre 14, isa na namang pasabog ni Jen ang hatid niya sa mga  nagmamahal sa kanya.

Sa pelikula, inilabas muli ni Jen ang kanyang angking talento sa isang masayang movie na punumpuno ng kilig, sweet moments, at nakai-in love na mga eksenang first time lang niyang ginawa sa isang movie.

First time rin niyang makakasama ang guwapo’t mabait na aktor na si Sam. Napag-alaman naming ginising ng aktres ang pagiging tahimik na tao si Sam. Mayroon kasi silang mga super sweet na eksena na saksi ang Central Park, Times Square at matulaing lugar sa New York sa maliligayang sandali nina Sam at Jen.

Ani Sam, ”Jen is every man’s dream!” Kaya siguro tila totoo ang mga eksena nilang naghahalikan at naglalampungan sa kama, huh!

Wala namang masama rito sakaling magkaigihan nga sina Jen at Sam dahil wala naman sila kapwa karelasyon. So kung ligawan man siya ni Sam eh, hindi malayong i-entertain niya ang binata!  Kaya nga huwag magtaka sakaling tapos nang ipalabas ang rom-com movie nila at nakikita silang mag-date, ang ibig sabihin lang niyon ay nahulog na sa isa’t isa ang loob nila.

Kasama rin sa cast ng The PreNup sina Jaclyn Jose, Gardo Versoza, Dominic Choa, Ella Cruz, Freddie Webb at marami pang iba. Tunghayan ang non-stop kilig mula kina Sam-Jen sa premiere nito sa Oktubre 13 sa SM Megamall, 7:00 p.m..

Ang The PreNup ay idinirehe ng premyadong director na si Jun Lana na napapanganga na lang sa kasiyahan sa effortless na pagpapakilig nina Jennylyn at Sam!

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …