Friday , November 15 2024

Bukulan blues sa P.1-M payola sa illegal terminals sa Maynila

00 Bulabugin jerry yap jsy“KOMPIRMADO ka d’yan, Sir!”

‘Yan po ang buod ng mensaheng ipinaabot sa atin ng isang Konsehal nang mabasa niya ang ating kolum tungkol sa pambubukol na ginagawa ng isang illegal terminals operator kay Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Ang unang kinompirma ng ating impormante, totoong-totoo daw po ‘yung P.1-M o tumataginting na isangdaang libong hatag ng illegal terminals operator sa isang city hall official.

Kitang-kita naman ang ebidensiya na ‘timbrado’ ito sa isang city hall official kaya bulag ang MPD-TEU at MPTB sa mga illegal terminal sa Lawton?!

Pero mayroon siyang pasubali na kung binubukulan nila si Mayor Erap, ‘e tiyak na may bukol din ‘yung opisyal ng city hall na binibigyan ng P.1-M ng illegal terminals operator.

Noong panahon daw kasi ni dating Mayor Lito Atienza, umabot na umano sa P250k kada linggo ang hatag ng nabanggit na illegal terminals operator.

E ngayon, mas dumami pa ang mga sasakyan na nakabalandra riyan!?

Ibig sabihin, super-bukol na si Mayor Erap, e mas bukol-bukol pa ‘yung hinahatagan nilang opisyal!?

Ganoon ba ‘yun, Konsehal? Naku, ayaw na ayaw pa naman ni Mayor Erap nang ganyan… ‘Yung niloloko siya?!

Yorme Erap, tayo naman ay nagmamalasakit lang ho… Bakit hindi mo subukan walisin ang mga illegal terminal sa paligid ng city hall?

At kung may umaray, ‘yun na!

Tsk tsk tsk…

Better luck next time Gilas Pilipinas!

UNA, binabati natin ang Team Gilas Pilipinas sa ipinakita nilang gi-las at galing sa katatapos lang na 2015 FIBA Asia Championships na ginanap sa Changsha, China.

Sabi nga, ang ipinakitang laro ng Team Gilas ay may puso at tapang kaya iyon din ang nagbigay ng adrenalin sa kanilang mga kalaban.

Kumbaga, alam ng kalaban na kung lalamya-lamya lang sila ‘e hindi sila uubra sa Gilas.

Gilas nga ‘e.

Ang malungkot na bahagi lang dito ‘e ‘yung preparasyon. Alam naman nating lahat na halos dalawang buwan lang ang inilaang preparasyon ng Team Gilas para sa nasabing laban. Bukod diyan, ang mga manlalaro ng Team Gilas, ‘e masasabi nating may edad na kompara sa kalaban.

Hindi katulad sa China, na bata pa lang ay iginigiya na ang mga bata kung saan at ano ang kanilang interes para sa nasabing larang sila lubusang sanayin.

Alam na alam naman natin na pagdating sa larangan ng palakasan ay laging nangunguna rin ang China.

Kaya ang mga edad ng mga manlalaro nila ay 19 hanggang 22 anyos lang.

Totoong ang Team Gilas ay sinalubong na gaya sa isang bayani — kumbaga Heroes welcome, pero sapat na ba ‘yun?!

Hindi kayang isantabi ang kanilang husay at galing pero sapat bang purihin o sabitan sila ng bulaklak na tila isang pampalubag-loob o pang-uuto?!

Bakit kailangan ang ganoong klase ng pambobola sa Team Gilas?! Kasi alam ng mga awtoridad na malaki ang pagkukulang nila sa mga atleta.

Pinasaya tayo ng laro ng Team Gilas sa 2015 FIBA Asia Championships pero tanungin natin sila, MASAYA KAYA SILA?!

Alam natin pare-pareho kung ano ang sagot nila… Anyway, better luck next time, Gilas!

BI-CSU hinaharang ang ‘Mosquito Press’ sa main office ng BI (Parang Martial Law)

ISANG araw humahangos patungo sa opisina ang isang ‘suki’ natin.

Hindi siya nagtatrabaho sa diyaryo natin pero ilang beses na nating napatunayan na siya ay laging kasangga.

Aniya, “Boss galing ako sa Immigration main office kanina. Narinig ko ‘yung isang BI civilian security unit (CSU) na sinisita ‘yung naghahatid ng Customs Chronicle.”

Ayon sa insider natin narinig umano niya na pinagsabihan ‘yung tao na hindi na pwedeng iakyat ‘yung Customs Chornicle — ang weekly newspaper kung saan mababasa ang isa nating weekly column na Airport Blitz.

Aba, sino ba ‘yang ungas na aso ‘este’ CSU na ‘yan at parang nagdedeklara ng Martial Law laban sa Aiport Blitz?!

Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo, na inaabangan nang maraming Immigration employees ang pahayagan na ‘yan.

‘Yan kasi ang paborito nilang basahin every week, hindi katulad ng isang pakalat-kalat lang d’yan na diyaryo kuno na pilit na ipinamimigay pero wala naman nagbabasa…

‘E kasi nga, SEPSEP at PANIS!

Ang sabi ng ilang kamoteng CSU, utos raw ng BI Admin na huwag ipasok ang Chronicle?! Wahahahaha!

May affected ba sa kanila sa ating isinusulat?

Affected ba si BI Admin head Jonjon ‘mcmg’ Gevero? O Si Atty. Madera apektado rin kaya?

Anyway, kung may affected man sa ating mga reality expose sa BI ‘e wala naman problema kung hindi n’yo mabasa pero sisiguraduhin ko sa inyo na mas marami ang makababasa ng mga issues na ating isinusulat!

Unsolicited advice lang… pakinggan ninyo ang damdamin ng BI employees. Nagbabasa lang sila hindi nagsusulat. Huwag ninyong i-martial law kasi napaghahalata kayo…

Ay sus!

Nabahala sa laro ng Gilas kontra China

NAKABABAHALA rn ang Chinese Team, may 4 na seven footer. Nag-aalala ako para sa Team Gilas, makaya kaya nila ang Chinese Team kung give a chance na makalaban nila ang team China? Ang haba ng mga kamay ng mga Intsek. Kung sabagay si NBA champion Stephen Curry hindi naman katangkaran feel ko kayang talunin ang Team Chinese sa matatinong game plan +6309226344866

Laban pa Gilas

DAPAT hindi na lng c Blatche gnwang naturalize player hndi cya bagay dhil parang may kamalasan. Sori Blatche but that’s what I think. He looks unhealthy to me. I go for Tautua. Sana manalo na ang Team Gilas sa lahat ng kanilang laban. +63092263448667

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *