Monday , December 23 2024

Barrios: Gilas dapat papurihan

101515 gilas pilipinas
SA GITNA ng ilang mga paghihirap na dinanas ng Gilas Pilipinas sa katatapos na FIBA Asia Championships na ginanap sa Changsha, Tsina, iginiit ng Executive Director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Renauld “Sonny” Barrios na dapat ding papurihan ang 12 na manlalaro ni coach Tab Baldwin dahil sa kanilang sakripisyo ng bayan.

Sa lingguhang forum ng Philippine Sportswriters Association sa Shakey’s Malate kahapon, sinabi ni Barrios na halos inapi na ng mga organizers ng FIBA Asia ang delegasyon ng Pilipinas mula sa simula ng torneo at lalong naging grabe sa finals nang biglang tinanggal ng mga utility men ng arena sa Changsha ang net bago ang warm-up ng Gilas sa araw ng championship game kontra sa mga Intsik.

Binanggit din ni Barrios ang pagiging makunat ng mga organizers ng FIBA Asia sa mga opisyal ng SBP sa pagkuha ng mga tiket para sa championship game at isang tsuper ng bus na sinakyan ng Gilas na nag-counterflow pabalik sa hotel pagkatapos ng panalo ng mga Pinoy kontra sa Japan sa semifinals.

“Coach Tab and the players worked hard,” wika ni Barrios. “China prepared for seven months habang tayo, mga ilang months lang kami naghanda. We beat Japan through sheer talent and even coach Tab admitted to me that he was outcoached. His knowhow of the international game helped us and even Andray Blatche was liked by the other players dahil ipinakita niya ang kanyang puso kahit may pilay na siya. Let’s continue to praise the team and I don’t want to talk about the future of the team yet.”

Idinagdag ni Barrios na nagpadala na siya ng sulat sa Regional Chairman ng FIBA sa Asya na si Hagop Khajirian tungkol sa mga hinaing ng Gilas kontra sa mga Intsik.

“But Hagop wrote back to me saying that there’s nothing he can do about it,” ani Barrios. “Pati sa FIBA Geneva, they told me na wala rin silang magagawa dahil desisyon iyan ng local organizing committee ng FIBA Asia.”

Naunang sinabi ni Baldwin na nais ng Gilas na sumali sa FIBA Olympic qualifying tournament sa Hulyo ng susunod na taon ngunit kailangan munang pag-usapan ito sa pangulo ng SBP na si Manny V. Pangilinan.

“Joining the Olympic qualifying tournament will strengthen the bond within the team,” ayon kay Baldwin.

Pero para kay Pangilinan, kung siya ang masusunod, hindi na dapat sumali ang Gilas sa wildcard tournament ng FIBA para sa 2016 Rio Olympics at imbes ay magplano na lang para sa mga susunod na torneo.

“My view is that, I’m not saying we will get chosen for the wild card, but frankly my view is that we should opt out of it,” wika ni Pangilinan. “And plan further ahead towards 2017 when the pre-qualification games are started to get played for the 2019 World Cup. We should prepare better for that.”

Nakuha ng Gilas ang karapatang sumali sa Olympic qualifying tournament para sa tatlong wildcard na puwesto sa Rio Olympics kasama ang Iran at Japan.

(James Ty III)

About James Ty III

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *