Kaya naman napakasuwerte ng mga taga-Binan dahil personal nilang nakadaupang-palad ang mga Kapamilya star.
Mainit na tinanggap ng mga taga-Binan ang ASAP20 na pinilahan at dinumog sa kabila ng init ng panahon at pagkaraan ay umulan ng malakas sa Alonte stadium.
Hindi naman binigo ng ASAP20 ang mga taga-Binan dahil sa handog nilang mga pasabog na song and dance numbers na yumanig sa Alonte stadium sa tindi ng hiyawan ng fans mula simula ng show sa performance nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Enrique Gil, at Liza Soberano hanggang sa pagtatapos nito.
Mas nagpakilig naman sa fans na nanood ang performance ng stars ng top-rating Kapamilya programs lalo na ng Pangako Sa’Yo cast na pinangunahan nina Daniel, Kathryn, Jodi Sta. Maria, at Ian Veneracion.
Namigay din ng exclusive backstage meet and greet passes pati ABS-CBNTVplusboxes ang ilang ASAP20 stars sa mga napiling lucky audience members.
Samantala, ilan sa mga naispatan na nag-selfie at nakipaghalubilo sa audience sinaPiolo Pascual, Robi Domingo, at Alex Gonzaga para makompleto ang hatid nilang ASAP20 experience sa mga taga-Binan.
“Panahon na ng ‘ASAP’ na magkaroon ng nationwide tour sa Pilipinas dahil mas maraming Filipino na ang gustong mapanood kami ng live sa kanilang mga probinsiya,” ani Piolo sa interview ng TV Patrol.
Pinuri at nagpasalamat naman si Binan city mayor Len Alonte sa ASAP20 dahil sa maayos na event noong Linggo na nagpasaya sa mga taga-Binan. Tagahanga pala ang mayora ni Piolo kaya naman tiyak na isa rin si Mayor Len sa mga kinilig nang lumabas ang actor.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio