Monday , December 23 2024

LTO Dampa sa Sucat Parañaque City parang TVC ng Sky Flakes

00 Bulabugin jerry yap jsyGRABE umano ang red tape sa Land Transportation Office (LTO) sa Dampa, Sucat, Parañaque City.

Kahapon lang, grabe ang naranasan ng isang Bulabog boy natin.

Maaga siyang nagpunta sa nasabing tanggapan ng LTO upang maaga rin matapos ang kanyang transaksiyon…

Pero isang malaking pagkakamali pala.

Pagdating palang niya ay numero 95 na ang nakuha niya. Ang natatawag pa lang umano ay numero 41-50.

S’yempre, hintay-hintay pa rin.

Inabot na siya nang tatlong oras na paghihintay nang biglang mag-announce ang public address system na nag-offline ang kanilang system.     

At sila ay pinababalik sa susunod na linggo pa?

What the fact!

Kabago-bago ng makina, wala pang isang buwan sira na agad?!

Nagbigay naman ng HOTLINE, numero (02) 833.63.79 para raw sa follow-up.

Hotline daw iyon ni LTO Dampa Sucat chief, Nida San Buenaventura.

Pero ‘yun lang ho, laging naka-HANG!

LTO chief, Atty. Alfunso ‘este’ Alfonso Tan, ano na ba talaga ang nangyayari sa tanggapan ninyo?!

Grabe na ang RED TAPE. Matatapos na ang tuwad na daan ‘este Daang Matuwid pero wala pa ring nagbabago sa sistema ng LTO, lumala pa.

Ay sus!

Pakisudsod mo Atty. Tan ‘yang si Nida San Buenaventura at mukhang tutulog-tulog lang sa kanyang opisina!

LP nagtagumpay para pasagutin si Leni Robredo

ISANG malaking pangyayari ang naganap kahapon para sa Liberal Party.

Dahil sa wakas, ay napasagot din si CamSur Rep. Leni Robredo para maging vice president ni Mar Roxas.

Mukhang magiging mabigat talaga ang labanan ng dalawang Bicolano.

Matagal din bago umoo, ang biyuda ni namayapang SILG Jesse Robredo.

Pinakaimportante daw kasi sa kanya, ayon kay Madam Leni, ay basbas ng kanyang mga anak.

Kinailangan pa yatang ligawan ni Pangulong Noynoy ang Tres Marias ni Madam Leni, bago tuluyang napa-oo.

Sabi nga ni PNoy, sana’y mapatawad siya ng mga anak ng mag-asawang Robredo dahil siya ang nagkombinsi kay Madam Leni na tumakbong bise ni Mar.

In short, ginulo ni PNoy ang mapayapang pamumuhay ng mga naulila ni Jesse.

Pero ang tatak daw ng Liberal Party, “Bayan muna bago ang sarili.”

Wow!

Ito lang talaga ang masarap sa eleksiyon marami tayong naririnig na mga salitang pwede sana nating maging inspirasyon kung napaninindigan ng mga nagsalita.

Ayon nga sa kasabihang kalye: “Ang sabi-sabi ay nagkakaroon ng sinabi depende sa nagsasabi.”

Pangontra daw ‘yan doon sa mga sabi nang sabi pero wala namang sinabi…

Ay sus!

Bukod kina Senator Chiz Escudero at Senator Antonio “Sonny” Trillanes ay may karagdagang option ngayon ang sambayanang botante kung sino ang kanilang iboboto.

May the best candidate win!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *