Ang dalawang Guinness records na nabali ng Felix Manalo ay ang Largest Attendance at a Film Screening na ang record ay hawak ng documentary film na Honor Flight noong 2012 na ginawa ang premiere sa Miller Park Stadium, Milwaukee Wisconsin, USA na mayroong 28,442 katao ang dumalo at ang Largest Attendance for a Film Premiere na hawak ng Hollywood fantasy na The Chronicles of Namia: Prince Caspian na may 10,000 in attendance na ginawa sa 02 Arena, London noong 2008.
Dumating ang official representative o ang adjudicator ng Guinness World Records (Marco Frigatti at Victoria Tweedey) mula United Kingdom para ibigay ng certificate sa mga taga-INC at Viva Films.
Nakamit ng INC-Felix Manalo movie ang dalawang Guinness World Records, ang Largest Attendance for a Film Screening at Largest Attendance for a Film Premiere. Umabot kasi sa 43,624 mula sa 55,000 seater ng Philippine Arena ang mga taong nanood ng Felix Manalo.
Tinanggap nina INC auditor Glicerio Santos Jr., Doc Serge Santos at Viva Films president at CEO Vic Del Rosario Jr., Vincent del Rosario, kasama sina direk Joel Lamangan, Dennis Trillo, at Bela Padilla mula kina Frigatti at Tweedey ang certification.
Bale ang dalawang bagong Guinness records ay dagdag mula sa dating records na nakuha noong July 27, 2015 ng INC na Largest mixed-use indoor theater in the world at ang Largest Gospel choir na naganap naman noong inagurasyon ng Philippine Arena. Nakakuha rin kamakailan ng Guinness records ang INC sa Largest Charity Walk na ginawa nila para sa Super Typhoon Yolanda (Haiyan) survivors noong February.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio