Friday , November 15 2024

Nagalaw pa ba iyan?

USAPING BAYAN LogoHINDI raw si Emilio Aguinaldo ang nasa likod ng pagpatay kay Heneral Antonio Luna pero bukod sa mga bantay niya mula sa sariling Kawit Regiment ang pumatay sa heneral sa loob ng simbahan na Katoliko Romano sa Cabanatuan, Nueva Ecija noon 1899 ay sinaksihan pa ng kanyang konsintidorang ina ang pagpaslang na naganap.

Ayon sa salaysay ng mga testigo ay nagtanong pa ang hukluban sa mga tumataga kay Hen. Luna kung “gumagalaw pa ba iyan?” Maliban pa riyan, matapos mabulgar sa bayan ang sinapit ng heneral ay walang naparusahan ni isa man na miyembro ng Kawit Regiment na sangkot sa kaduwagang iyon. Bukod doon ay isa-isang pinurga ni Aguinaldo mula sa kanyang pamunuan ang mga tagasunod ni Hen. Luna. Ngayon ninyo sabihin na hindi si Aguinaldo ang nasa likod nang pataksil na pagpaslang sa magiting na heneral.

Nagbubulagbulagan o sadyang bobo lang ang magsasabi na walang kinalaman ang bugok na si Aguinaldo sa pagpatay kay Hen. Luna. Sabagay hindi katakataka ito sapagkat marami ngayon ang talagang walang alam sa ating kasaysayan.

* * *

May mga nagtatanong kung bakit nakapangalan kay Aguinaldo ang headquarters ng ating hukbo ngunit walang kampo militar ang nakapangalan kay Hen. Luna, ang pinakamahusay na heneral sa panahon ng digmaang Filipino-Amerikano.

Nagtataka ang mga nagtatanong dahil si Aguinaldo ang nagpapatay sa unang pangulo ng bayan na si Andres Bonifacio, nagbenta ng rebolusyon sa mga Kastila noon 1897 sa pamamagitan ng kasunduan sa Biak na Bato at siya rin ang nagpapatay kay Hen. Luna pero siya pa ang binibigyang parangal ng mga nasa poder.

Hmmmm, batay sa kilatis ng mga tumangan ng poder noon at ngayon katakataka pa ba iyon?

* * *

Nakalulungkot na maraming kabataang estudyante ngayon ang walang nalalaman sa kasaysayan ng ating bayan. Hindi nila kilala ang mga bayani at ignorante sila kung paano kumilos para makamit ang “kalayaan” na ating tinatamasa ngayon.

Ang masakit pa nito, ayon sa mga ulat na lumabas sa pahayagan kamakailan, wala raw tutol ang Department of Education sa plano na huwag nang ituro ang asignatura kaugnay ng Kasaysayan ng Filipinas (Philippine History) mula Grade VII (7) hanggang XII (12).

Talaga yatang may mga pailalim na kilos ang puwersa na anti-Filipino. Gusto nila na lalong palabnawin ang malabnaw nang pambansang kaakohan (national identity). Mapanganib ito lalo na’t maraming banta mula Tsina at Malaysia (sa pamamagitan ng proxy nito na Moro Islamic Liberation Front) laban sa ating soberenya.

Magiging madali sa mga nag-iinteres na biyak-biyakin ang teritoryo ng ating republika kung lalabnaw pa nang husto ang pambansang kaakohan. Kung totoo ang ulat na ayaw na ng DepEd na ituro ang Pambansang Kasaysayan sa matataas na grado ay kataksilan ito sa pagka-Filipino natin.

Una na nilang pinalalabnaw ang pagmamahal sa ating wika sa pamamagitan ng pagpipilit sa atin ng Ingles at ngayon naman ang ating kasaysayan ang gusto nilang palabnawin.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *