Friday , November 15 2024

Libreng bakuna ng DOH panganib sa kalusugan ng mga mag-aaral?!

00 Bulabugin jerry yap jsyISANG batang lalaki ang dumaranas ngayon ng isang hindi maipaliwanag na karamdaman matapos tumanggap ng libreng bakuna mula sa Department of Health (DoH).

Ang biktima, kinilalang si Miguel Manalo Bañas, estudyante ng Librada Avelino Elementary School sa Sunog Apog, Gagalangin, Tondo, Maynila ay kasalukuyang dumaranas ng Steven Johnson syndrome at nanatili sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).

Naniniwala ang pamilya ng batang si Miguel na nakuha niya ang nasabing sakit matapos turukan ng chicken pox vaccine.

Ang pagtuturok ay bahagi ng proyekto ng DoH sa mga pampublikong eskuwelahan.

Pero mariing itinatanggi ng DoH na ang libreng chicken pox vaccine ang dahilan ng pagkakasakit ng batang si Miguel.

Hindi natin maintindihan kung bakit outright ang pagtanggi ng Health Department sa kaso ng batang si Miguel.

‘Yun bang tipong hindi pa naiimbestigahan nang husto ay agad nagpalabas ng pagtanggi ang DOH. At ang pagtangging ito ay patuloy nilang ginagawa sa pamamagitan ng media.

Sa ganang atin, hindi dapat ganito ang attitude ng DOH.

Pinakamaganda sigurong ang sagot ng DOH ay paimbestigahan muna ang nasabing insidente para sigurado sila sa kanilang isasagot sa pamilya ng biktima.

Paano kung ng chicken pox vaccine talaga ang dahilan?

Paano ang iba pang nabakunahan at ang balak pang bakunahan?!

Hindi ba’t si dating Health Secretary Enrique Ona ay naindulto dahil sa bakuna?

E baka naman si Health Secretary Janet ‘another pabebe’ Garin ‘e sa bakuna rin madale?

Isa pang tanong: Bakit HINDI man lang nagpapakita ng suporta ang DOH sa batang naka-confine ngayon sa JRMMC?

Kumakatok po ang ina  ni Miguel sa inyong mga puso…

Ang bata ay kasalukuyang naka-confine sa JRRMC at ang kanyang ina na si Aina ay madaling makokontak sa 09288430223. Habang si Manuel ay nasa 3rd floor ng Pedia Ward, Jose Reyes Memorial Hospital.

Tulungan po natin sila sa iba’t ibang anyo hanggang  maparusahan ang mga dapat maparusahan.

Video Karera ni Berting largado sa Maynila!

FOR your information Mayor Erap, marami pong nagtataka sa patuloy na pamamayagpag ng mga demonyong makina ng video karera at fruit games ni BERTING ng Parola compound.

Putok na putok sa MPD at city hall ang VK operation ni Berting dahil nasapawan na ang ibang antigong VK operators.

Mukhang siya raw ang nabigyan ng special VK franchise ng isang bossing diyan sa city hall.

Tama ba Madam VK, Tata Ber ‘lespu’ Nabarog, Fucknoy ‘lespu’ Fresnedi at Tata Kariaso!?

Package deal pa anila kapag nagpuwesto sa mga kalabang G.L dahil 4-5 VK machines para sa mga ADIK na parokyano at 2-4 na FRUIT GAMES naman para sa mga kabataang minumulat at inihuhuma na maging adik sa kanilang demonyong makina.

Ayon sa isang reliable source natin sa MPD, ipinagyayabang ng tarantadong Berting VK na kasosyo pa n’ya ang isang “SUPT” as in super taas na lespu ng MPD dahil laging ka-buddy buddy ng isang alias “PO1 BIG BOY” na tauhan nito.

Kaya naman pangitang-pangita na pasok ang illegal gambling ni VK Berting  pati sa bagman na si Tata Kristong ng tinaguriang “delihensiya unit” ng isang Kupitan.

‘Yan ang kanilang pinamamalita, sila ang numero unong pamato ni VK Berying?!

Sonabagan!!!

Isang alias PO1 Big Boy naman ang siyang nagsisilbing locator at nagpupwesto ng demonyong makina ni Berting.

ALAM mo ba Mayor Erap, maging ang pangalan mo ay ginagasgas ng mga hayop kasama pa ang isang alias DE-TSABES sa kanilang VK operation.

Nilagyan nila ng code name: ERAP BERTING VK at kinulayan pa ng kulay ORANGE ang kanilang mga VK machines para ipakita sa ibang mga pulis na ‘timbrado’ na ito sa city hall.

NCRPO RD Gen. Joel Pagdilao,wala ba kayong kampanya laban sa mga VK machines na pati mga kabataan ay nalulong sa demonyong makina na ‘to?

Hindi ba’t may standing order noon na sisibakin ang station commander na mahuhulihan ng video karera sa kanilang A.O.R.!?

Nalimutan na ba ni MPD DD Gen. Rolly Nana ‘yan!?

Bakit si Senator Grace Poe lang, e how about Siegfred Mison? (Sa isyu ng citizenship)

MUKHANG unfair nga raw para kay Senator Grace Poe na siya lamang ang naisasalang sa mainit na isyu ng pagkamamamayan.

Kahit ang inyong lingkod man ay nagtataka. Ilang beses na nating ikinokolum na si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison ay sinasabing isang US green card holder pero walang nagtatangkang busisiin ang kanyang pagkamamamayan.

Mismong  si Mison ay dedma at hindi nagsasalita ukol dito. Ang kanyang immediate boss na nagkataong kapwa niya Oragon na si Madam Secretary Leila  De Lima ay hindi rin natin naririnig na rumerepeke tungkol sa isang ‘tao’ niyang “green card holder.”

Ang Palasyo de Malacañan ay parang dedma rin sa issue na ‘to.

How about our honorable lawmakers?

Si Grace, si Grace, puro si Grace… hindi ba pwedeng si Fred, si Fred, si Fred… si Fred naman?!

O dahil wala talagang ‘bilang’ itong si Mison kaya wala man lang nag-aaksayang bumusisi sa kanyang pagkamamamayan?!

Na sa isang chapter ng buhay niya ay nagawa niyang itakwil ang pagiging isang Filipino!?

At na-appoint pa na mamuno sa isang ahensiya ng gobyerno na magbabantay sa ating border.

Kumbaga, hinahayaan na lang munang lumamig ang isyu ng pagkamamamayan bago sumambulat nang pagkalakas-lakas?

Kuwidaw, Mr. Fred ‘greencard’ Mison, baka ganyan ang mangyari sa iyo…

Hangga’t maaga ay magsalita ka na.

Baka sakaling mapatawad ka pa.

Kung hindi baka tuluyang makakaladkad ang iyong pangalan ‘e lalo ka pang maging kahiya-hiya.

Lalo na kapag pinabayaran sa iyo ang lahat ng sinuweldo mo hanggang tuluyang makuwestiyon ang iyong mga real properties lalo na ‘yung isang malawak na farm sa Tagaytay…

Ayyayyay!

Hindi ba’t napaka-perjurious niyang tinanggap mo ang isang appointment (Immigration Commissioner) para maglingkuran sa gobyernong Filipino gayong ikaw ay isang Amerikano (Green card holder)?

Mukhang mayroon talagang kasanayan sa kulturang ‘dishonesty’ ang opisyal na ito?

Remember the ‘gas padding’ issue?!

Ganoon na ganoon din ang practice nito…tsk tsk tsk…

Kailan ka ba magiging honest Fred ‘pabebe’ Mison?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *