MARAMI ang nali-link kay Kris Aquino pero hanggang link lang naman at hindi talaga nagkaroon ng chance na umabot para maging boyfriend.
Mag-45 na si Kris sa February at single pa rin siya.
Ang hirap naman kasi niyang hanapan ng magiging boyfriend, ang taas ng kanyang standards.
Pero alam n’yo, ang mga nagbe-benefit talaga sa pagiging single ni Kris ay ang kanyang dalawang anak, si Josh at si Bimby dahil ang focus niya ay sa mga ito. Eh kung may boyfriend na siya, siyempre mahahati ang kanyang atensiyon. Kaya naman maging si Bimby ay mas gustong walang bf ang kanyang mommy, forever.
Pero kapag nakahanap na si Kris siyempre, maiintindihan ‘yan ni Bimby, napakatalinong bata kaya niya.
Samantala, tuloy na tuloy pa rin ang MMFF entry ni Kris with Herbert Bautista, pero binago na ang title nito.
MAKATAS – Timmy Basil