Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dingdong at Marian, papangalanang Maria Letizia ang magiging supling

052715 marian rivera dingdong dantes
SA Nobyembre magsisilang si Marian Rivera ng first baby nila ni Dingdong Dantes na isang baby girl.

Ang latest tungkol sa pagbubuntis ni Marian ay may naisip na raw silang ipapangalan. They will name her Maria Letizia. May Leticia raw kasi ang pangalan ng lola ni Dingdong samantalang Leticia rin ang pangalan ng kapatid ni Marian.

Dinagdagan na lang nila ito ng Maria at iniba ng kaunti na imbes na C ay ginawang Z para maging modern.

Okey din ang Maria Letizia, ‘di ba mayroon tayong ambassador dati na ang pangalan ay Leticia Ramos Shahani (kapatid ni dating pangulong Fidel Ramos?).

Sa PMPC naman ay mayroon kaming Manay Letty Celi.

Naku, November na pala magsisilang itong si Marian. Hmmm…. sana November 5 para ka-birthday ko, hehehehe.

Sa totoo lang, marami na talaga ang excited na makita ang unang supling nina Dingdong at Marian. Since guwapo at maganda kapwa ang dalawa, inaasahang napakaganda rin ng magiging anak nila.

At siyempre ang susunod na aantabayan ay kung papasukin din ba ni Maria Letizia ang showbiz balang-araw.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …