Monday , December 23 2024

Bakit si Senator Grace Poe lang, e how about Siegfred Mison? (Sa isyu ng citizenship)

Fred MisonMUKHANG unfair nga raw para kay Senator Grace Poe na siya lamang ang naisasalang sa mainit na isyu ng pagkamamamayan.

Kahit ang inyong lingkod man ay nagtataka. Ilang beses na nating ikinokolum na si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison ay sinasabing isang US green card holder pero walang nagtatangkang busisiin ang kanyang pagkamamamayan.

Mismong  si Mison ay dedma at hindi nagsasalita ukol dito. Ang kanyang immediate boss na nagkataong kapwa niya Oragon na si Madam Secretary Leila  De Lima ay hindi rin natin naririnig na rumerepeke tungkol sa isang ‘tao’ niyang “green card holder.”

Ang Palasyo de Malacañan ay parang dedma rin sa issue na ‘to.

How about our honorable lawmakers?

Si Grace, si Grace, puro si Grace… hindi ba pwedeng si Fred, si Fred, si Fred… si Fred naman?!

O dahil wala talagang ‘bilang’ itong si Mison kaya wala man lang nag-aaksayang bumusisi sa kanyang pagkamamamayan?!

Na sa isang chapter ng buhay niya ay nagawa niyang itakwil ang pagiging isang Filipino!?

At na-appoint pa na mamuno sa isang ahensiya ng gobyerno na magbabantay sa ating border.

Kumbaga, hinahayaan na lang munang lumamig ang isyu ng pagkamamamayan bago sumambulat nang pagkalakas-lakas?

Kuwidaw, Mr. Fred ‘greencard’ Mison, baka ganyan ang mangyari sa iyo…

Hangga’t maaga ay magsalita ka na.

Baka sakaling mapatawad ka pa.

Kung hindi baka tuluyang makakaladkad ang iyong pangalan ‘e lalo ka pang maging kahiya-hiya.

Lalo na kapag pinabayaran sa iyo ang lahat ng sinuweldo mo hanggang tuluyang makuwestiyon ang iyong mga real properties lalo na ‘yung isang malawak na farm sa Tagaytay…

Ayyayyay!

Hindi ba’t napaka-perjurious niyang tinanggap mo ang isang appointment (Immigration Commissioner) para maglingkuran sa gobyernong Filipino gayong ikaw ay isang Amerikano (Green card holder)?

Mukhang mayroon talagang kasanayan sa kulturang ‘dishonesty’ ang opisyal na ito?

Remember the ‘gas padding’ issue?!

Ganoon na ganoon din ang practice nito…tsk tsk tsk…

Kailan ka ba magiging honest Fred ‘pabebe’ Mison?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *