Aries (April 18-May 13) Ipinapayo ng mga bituin na huwag nang paabutin nang gabi ang mga gawin.
Taurus (May 13-June 21) Bagama’t may emosyonal kang problema, magagawa mo pa ring tapusin ang iyong mga proyekto.
Gemini (June 21-July 20) Iwasan muna ang pagtanggap ng mga bagong proyekto. Mag-focus sa kung ano ang napasimulan.
Cancer (July 20-Aug. 10) Hahayaan ng mga bituin na manatili ang tiwala sa iyong sarili.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Kailangan mong tapusin ang lahat ng mahalagang bagay.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Sa dakong gabi, posibleng magkaroon nang matinding komprontasyon kaugnay sa mga opinyon at paniniwala.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang iyong pagdepende sa iyong business partner ay unti-unting huhupa.
Scorpio (Nov. 23-29) Pinaninindigan mo ang iyong mga prinsipyo at ipaglalaban mo ito.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Ano mang uri ng ‘overload’ kabilang ang emosyon, ay posibleng makapinsala sa iyo.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Mapakikinabangan mo maging ang iyong negative premonitions.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Mataas ang tsansang magkaroon ng pakikipagtalo sa malalapit na kamag-anak.
Pisces (March 11-April 18) Kailangan mapanatiling kontrolado ang iyong emosyon.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Posibleng ikaw ay maging judgmental at matalas ang dila.
ni Lady Dee