KINOMPIRMA ng Department of Health na pumanaw na ang Saudia national na positibo sa Middle East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV), na naka-confine sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, noon pang Setyembre 29 binawian ng buhay ang biktima.
Ngunit tumanggi si Garin na pangalanan ang nasabing Saudia national.
Habang negatibo aniya sa MERS-CoV ang 12 healthcare workers na nag-alaga sa biktima.
Bagama’t inilagay pa rin sa quarantine ang naturang healthcare workers.
Sasailalim sila sa sa araw-araw na pagsusuri sa loob ng 14 araw upang matiyak na hindi sila nakapitan ng MERS virus.