Monday , December 23 2024

Apat na Pulis–Maynila dapat imbestigahan sa ginawang pagsugod sa San Juan Police Station

080614 drugs shabu arrestNAKAGUGULAT ang ginawang pagsugod ng mga kagawad ng pulis-Maynila sa San Juan police station para agawin ang nahuling dalawang miyembro ng sindikato ng illegal na droga.

Magugunitang nitong Martes, ang anti-drug unit ng San Juan police, sa pamumuno ni Chief Inspector Hoover Pascual, ay inaresto ang isang Leah Sarip, 32, at Norie Mohammad, 35, sa isang buy-bust operation sa isang parking lot ng food chain sa N. Domingo St., dakong 7 p.m.

Nang dalhin sina Sarip at Mohammad sa Station Anti-Illegal Drugs  office, isang team ng mga pulis mula Manila Police District (Station 3 na kinabibilangan nina Chief Inspector John Guiagui, SPO2 Rosendo Ascano, SPO1 Herbert Salazar, at PO3 Rodolfo Mayo), na nakasibilyan lahat  ay dumating at sinabing ang dalawa ay target ng kanilang operasyon.

Siyempre nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawang grupo.

Bakit nga naman nakikialam ang mga pulis-Maynila gayong sa area of jurisdiction ng mga pulis-San Juan naganap ang pag-aresto.

At dahil sila ang nakaaresto, normal lang na sa kustodiya nila mamalagi ang dalawang suspek hangga’t hindi nasasampahan ng kaso.

Alam nating mayroong salto pero nilinaw ni Eastern Police District director Senior Superintendent Elmer Jamias na ang insidente ay bunga ng miscommunication at maiaayos umano ito bago pa man lumala.

Mabait pa nga si Kernel Jamias dahil pinawalan pa niya ang mga pulis-Maynila kung tutuusin ‘e talaga namang nakapagtataka kung bakit nilang manghimasok sa teritoryo nang may teritoryo.

Maliban na lang kung mayroong nakapag-TIP sa dalawa na ilabas ang transaksiyon sa Maynila at dalhin sa San Juan dahil mainit na sila sa mata ng MPD.

Tsk tsk tsk…

Mukhang may naamoy tayong malansa sa operation na ito… palagay natin ‘e may kailangan pang halukayin sa insidenteng ito.

Aabangan natin natin ‘yan.         

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *