Monday , December 23 2024

Erap nabubukulan sa illegal terminals!?

00 Bulabugin jerry yap jsyHABANG himas-himas ng isang opisyal sa city hall ng Maynila ang kanyang nabubundat nang bulsa ‘este tiyan, na hindi na kayang paimpisin sa kagi-gym, ‘e mukhang hindi namamalayan ni Mayor Erap na palaki nang palaki na rin ang ‘pambubukol’ sa kanya mula sa ‘pakinabang’ sa illegal terminals d’yan sa paligid-ligid ng city hall hanggang Lawton.

Ayon sa ating unimpeachable source at insider, si City Hall official ay tumatanggap ng P.1-M as in tumataginting na isandaang libong piso linggo-linggo mula sa operator ng illegal terminal ng mga UV Express at kolorum na van.

Kaya naman pala, maligayang-maligaya si city hall official kapag may ‘parating’ at ‘padala’ ang operator ng illegal terminals d’yan sa paligid-ligid lang.

Kaya naman pala parang bahay-kubo ang ‘tanggapan’ ni illegal terminals operator.

Kung sa kantang bahay-kubo ang linya ay… “at sa paligid-ligid ay puno ng linga…”

Sa ‘tanggapan’  (ng tara) ng nasabing operator ang linya ay… “at sa paligid-ligid ay puno ng illegal terminals…”

Shrek shrek shrek (as in hik hik hik)…

Kaya huwag kang magtaka Yorme kung bakit tila nagdadalawang-isip ang nasabing city hall official kung ano ang tatakbuhan niya sa Mayo 2016.

Kasi nga naman, kapag umiba siya ng teritoryo, tiyak antimano tablado siya kay illegal terminals operator.

E isa ‘yan sa mga ‘juicy’ position na kanyang pinakaaasam-asam.

Mantakin ninyong, mga vendor, UV Express drivers at kolorum van operators ang magpupuno ng kanyang kabang yaman?!

Ay Maynila!       

Kaya nga sa illegal terminal pa lang ‘sumasalok’ na nang mahilab-hilab na kabuhayan si city hall official.

O ‘di ba?!

Mayor Erap, ipasudsod mo ‘yan bago pa tuluyang maging ‘pigsa’ ‘yang pambubukol na ginagawa sa iyo ng sarili mong opisyal.

Siya lang ang maligaya at ikaw ay hindi?!

Ang ‘Playgirls’ Performance ni MMDA Chair Francis Tolentino

Mukhang nasabon nang husto ng Liberal Party (LP) si congressman Benjie Agarao.

Mantakin ninyong magpa-lewd show ba naman at pagsuutin ng t-shirt ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang mga babaeng nakapekpek-shorts (Playgirls ba ‘yan?) pagkatapos na pagkatapos ng oathtaking ng LP members.

Hayun napuruhan si Tolentino dahil mismong ang emcee ng programa ang nag-announce na dala umano ni Tolentino ang lewd dancers/performers bilang regalo sa birthday ni Agarao.

Hindi naman tayo ipokrito. Alam nating ‘yan ay katuwaan at bilang pagbibigay kasiyahan sa birthday boy.

Although, iba’t ibang women’s group na nga ang umaalma sa napakasagwang palabas na ‘yan dahil niyurakan pa ang kababaihan.

Pero ‘yang mga ganyang event ay pampribado at hindi dapat inilalantad sa publiko lalo na kung mayroong mga babae at kabataan.

Dapat ‘e ginawa na lang pribado ang pagpapalabas nang ganyan.

Nakapag-aalala tuloy, dahil mukhang ‘yang grupong ‘yan ang gagamitin nila sa kanilang pangangampanya lalo sa malalayong probinsiya.

Sana nga ‘e hindi ikaw ‘yan Chairman Tolentino.

Ang siste, kumalat na sa social media ang napakasagwang pagsasayaw ng mga babae (‘e lewd show nga ‘e).       

Hindi tuloy natin maintindihan kung maiinis tayo o maaawa kay Chairman Tolentino dahil hanggang ngayon o baka hanggang sa mga susunod na araw ay pagpiyestahan ng mga tao ‘yang isyu na ‘yan.

Kamalas mo naman Chairman Tolentino?!

E si Mar Roxas nga, balita natin ‘e biglang lumayas at nabuwisit sa nasabing ‘bastos’ na palabas.

Tsk tsk tsk…

Chairman Tolentino, tayo naman ay walang masamang tinapay, pero sana sa susunod, sabihan mo ‘yang campaign group ninyo na talas-talasan naman ang pag-iisip. Maging sensitibo naman kayo sa kultura ng mga taong pupuntahan ninyo at lagi ninyo iisipin na madali nang mag-upload ng video ngayon sa social media.

Kayo rin, baka biglang maglaho ang mga pinaghirapan ninyo.

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *