Friday , November 15 2024

Wala na bang iba?

USAPING BAYAN LogoDAHIL para sa mayayaman lamang ang karera na pampanguluhan dito sa atin kaya limitado ang mga maaaring sumali. Sa kasalukuyan ay apat lamang na mga bigatin sa ating lipunan ang pormal na nagpahayag na gusto nilang palitan si Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa dara-ting na eleksyon. 

Nakalulungkot  dahil mukhang mas mara-ming mga dahilan kung bakit hindi sila dapat maupo sa poder kaysa mga katuwiran na dapat silang maluklok sa Malacañang. Dahil limitado nga sa mga mayayaman ang maaaring sumali sa ka-rerang pampanguluhan (kasi ang kakambal nito ay malaking gastusin), malamang na mauwi sa “lesser evil” na naman ang iboboto ng taong bayan. Malinaw na sintomas ito, na kailangan ng pagbabago sa umiiral na anti-demokratikong siste. 

Sino-sino ba ang apat? Subukan natin silang kilalanin ayon sa kanilang inaasal sa publiko o mga balita sa pahayagan. 

  • Bise Presidente Jejomar Binay – siya ay tadtad ng bintang ng korupsiyon at nahaharap sa mga kaso sa Ombudsman dahil sa umano’y maanomalya niyang pamamalakad sa Lungsod ng Makati noong siya pa ang mayor doon. Kai-lan lamang humiwalay kay BS Aquino III matapos malaman na hindi siya susuportahan sa ka-nyang kandidatura. Gayon man kahit siya ay nanahimik sa tabi BS Aquino III sa loob ng halos anim na taon ay pilit na pumupustura ngayon na isa siyang oposisyonista simula’t sapol. Pabor siya sa pananatili ng political dynasties o pyudalismo sa bansa. Tatlong anak niya ay nasa poder ngayon – isang senador, isang congresswoman at isang mayor. 

  • Dating DILG Secretary Mar Roxas – tagapagtaguyod ng neo-liberalismo, ang ideolohiya ng mayayaman. Ito ang dahilan ng sobrang kahirapan ng mga ordinaryong tao sa iba’t ibang panig ng mundo. Siya ay isang technocrat kaya walang simpatya sa maliliit. Kitang-kita ito sa kanyang ikinilos sa Lungsod ng Bacolod matapos salantain ng delubyo ang lugar. Sa gitna ng sobrang pagkasalanta ng mga tao roon ay nagawa niyang sabihin na “bahala kayo sa buhay ninyo.” Walang ipinakita na liderato sa usapin ng Mamasapano massacre. Tapat na tagasunod ni BS Aquino III. 

  • Senadora Grace Poe – dati nang isinuka ang pagka-Filipino para maging American citizen (Hindi pa rin tiyak hanggang ngayon kung talagang hindi na Amerikana). Wala pang napatutunayan maliban sa “anak” siya ng yumao na Hari ng Pelikulang Filipino na si Fernando Poe Jr. Mukhang mag o-on-the-job training sa Malacañang tulad ng mag-inang Cory (noon) at BS Aquino III (ngayon). Hindi pa malinaw kung natural-born o naturalized Filipino. Suportado ng mga pulpol na politikong neo-pasista. 

  • Mayor Rodrigo Duterte – sinasabing nasa likod umano ng Death Squad sa Lungsod ng Davao, ang grupo na may kagagawan daw ng mga summary execution ng mga kriminal. Ayon sa mga kritiko napatahimik ni Duterte na parang sementeryo raw ang Lungsod ng Davao.

Sila sa ngayon ang pagpipilian natin. May napili na ba kayo?

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *