Friday , November 15 2024

P100-M shabu huli sa Kyusi

TINATAYANG aabot sa P100 milyong halaga ang high grade shabu ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa inabandonang sasakyan sa Novaliches, Quezon City.

Ayon kay PDEA Special Enforcement Service Director Esmael Fajardo, natagpuan dakong 10 p.m. kamakalawa ang shabu sa loob ng isang Toyota Avanza (WOL 771) na kulay metallic gold, inabandona sa Mt. Carmel St., Cresta Subdivision, Novaliches, ng nabanggit na lungsod.

Dagdag ng opisyal, ang shabu na tig-isang kilo ang pagkakabalot at nakalagay itim na plastic bag ay umaabot sa 20 kilo at nakapaloob ito sa isang malaking box.

Walang naarestong suspek at wala ring makapagturong residente kung sino ang may-ari ng sasakyan.

Naniniwala ang pulisya na nataranta ang mga suspek sa pagtakas makaraang matunugang isang buy bust operation ang ikinasa laban sa kanila kaya inabandona nila ang sasakyan at ang shabu.

Ayon pa kay Fajardo, isang operasyon ang kanilang ikinasa laban sa mga suspek makaraan ang ilang buwan surveillance.

Samantala, inaalam pa ng pulisya kung kanino nakarehistro ang sasakyan at aalamin din nila kung ang bagong sasakyan ay ‘hot car.’

Aniya, ‘unfair’ naman kung aakusahan nila agad ang may-ari ng sasakyan.

Naniniwala ang PNP-AIDSOTF at PDEA na kabilang ang mga suspek sa isang malaking sindikato na kumikilos sa buong Metro Manila.

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *