Wednesday , May 14 2025

Magkano ‘este’ paano nakatakas ang puganteng koreano na si Cho Seong Dae kay Mison!?

00 Bulabugin jerry yap jsyKUNG hindi pa lumabas dito sa pahayagang HATAW ang balita tungkol sa pagpuga (na naman) ng pugante sa Seoul Korea, na si Cho Seong Dae sa kasong human trafficking at robbery-extortion, ‘e hindi pa siguro magpapaliwanag si Immigration Commissioner Siegfred ‘greencard’ Mison.

Martes pa tumakas pero kahapon Huwebes lang sila naglabas ng press release. 

Paiimbestigahan umano niya ang nasabing insidente.

Bakit ba laging natatakasan ng puganteng Koreano ang Bureau of Immigration (BI)?!

‘Yun bang tipong, kung kailan malapit nang kaunin ng Korean Embassy para ibalik sa kanilang bansa upang papanagutin sa kanilang mga krimen ‘e saka biglang nakatatakas?!

Remember Kim Tae Dong na ini-hospital VIP confinement pa sa St. Luke’s Hospital sa Bonifacio Global City (BGC)?      

Three days after daw dalawin ni Mison ‘e nakapagtatakang naglahong parang bula at nowhere to be found na.

Gaya nitong  pagpuga ni Cho sa BI Detention Cell sa Bicutan…

Minsan na po tayong nagawi sa BI Bicutan detention cell na ‘yan at nakita na natin kung gaano kahigpit ang seguridad diyan.

Bukod pa, ang gusali at disenyo ng detention cell ay napakahirap talagang malusutan.

Ang kategorya ni Cho ay isang high risk detainee.

‘E saan ka naman kasi nakakita na ang isang high risk detainee ay hinahayaang magpagala-gala sa loob at labas ng detention cell?!

Onli in BI detention cell lang po ‘yan.

Hindi lang ‘yan, base sa info sa atin, sa records umano ng CCTV, si Cho ay nakitang naglalakad lamang, ni hindi tumatakbo, nang lumabas sa bisinidad ng BI detention cell…

Sige nga, paki-explain kung bakit napakaluwag ng BI sa mga puganteng Koreano?!

Explain pa more Commissioner Fred ‘pabebe’ Mison!

Sa politika no permanent friends and enemies only Unholy Alliance

ALAM nating mahusay makipag-alyansa ang Makabayan Bloc sa iba’t ibang personahe at organisasyon.

Pero nagulat naman talaga tayo nang husto nang makita natin si convicted plunderer at dating Pangulo Erap Estrada sa hanay ng mga lider ng Makabayan Bloc.

Ano nga ang tawag diyan, UNHOLY ALLIANCE?!

Hindi lang ‘yan, inendorso ni Erap si Bayan Muna representative Neri Colmenares para sa pagtakbo sa Senado.

Tumayo at nagsalita rin si Erap sa stage at talagang ipinagdiinan na kahit noong tumakbo umano si Colmenares sa party-list ay inendorso na raw niya?!

Naman! Naman!

Madali palang magkalimutan nag Makabayan Bloc at si Erap…

Aba ‘e hindi pa nabubura sa kasaysayan ‘yung panahon na galit na galit ang mga lider ng Makabayan Bloc para patalsikin si Erap noon. 

‘Yan ‘yung tinatawag na EDSA DOS.

Napalayas nga sa Malacañang si Erap, kinasuhan, nilitis at naipakulong dahil sa plunder.

Pero pagkatapos nang ilang panahon ay nakalaya at ngayon ay mayor pa ng Maynila and seeking for another term?!

At nag-e-endorso pa!

Onli in da Pilipins lang talaga!

Sonabagan!

Tuloy lang ang happiness ni BI Commissioner Mison at Valerie Concepcion

TILA raw walang epekto kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred ‘greencard’ Mison nang tanggalin ng Senado sa kanyang diskresyon ang Immigration Express Lane fund na pinagkukunan ng overtime pay ng BI employees.

Mukha kasing hindi naman maaapektohan ang financial sources niya kundi ang mga empleyado lang.

Sa katunayan, ilang impormante natin sa Duty Free Shop sa Parañaque ang nagpaabot ng impormasyon sa atin nakaraang isang Sabado (Sept. 19) na tila hindi umano apektado si Mison kung mag-shopping galore sila ng kanyang pabebe love na si Ms. Valerie?

Yes, yes Aw!

‘Yan ‘e with matching bodyguard na tagabitbit siguro ng mga pinamili nila.

‘E kaya naman pala nabutata sa Senado hanggang tuluyang tanggalin sa kanyang diskresyon ang Express Lane fund ‘e parang walang kuwenta lang kay Mison dahil mas busy siya sa kanyang source of happiness na si Ms. Valerie Concepcion?

What the fact!?

‘Yan daw talaga ang kapangyarihan ng puson ‘este’ puso, hahamakin ang lahat masunod lamang ang binalisawsaw na paglibog ‘este’ pag-irog.

No wonder na talagang inilampaso si Mison sa Senado kasama pa ang amo n’ya — na si Justice Secretary Leila De Lima — dahil inuuna pa raw niya ang mga lakad nila ni Ms. Valerie, kaysa mag-tactic session sa kanyang mga highly paid technical assistant kung paano pananatilihin ang diskresyon ng Komisyoner sa Express Lane fund.

Sa isang banda, okey na rin na nawala sa kanya ang diskresyon  dahil natuklasan ng mga empleyado na marami palang pinagkakagastusan ang Express Lane na kunwari ay para sa kanila pero hindi naman pala?!  

Anak ni dondon!!!

Kaya naman pala kahit butata na sa Senado ay parang tuloy-tuloy lang ang happiness ni Mison?

Hapi-hapi pa-more with Valerie, Sir Fred ‘pabebe’ Mison!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *