Plano talaga ni Lance ang maglingkod sa mga tao, pero napaaga ito nang na-invite siya ng committee ni Sen. Grace Poe para sa mga bagay na may kinalaman sa Philippine entertainment and culture. Dito raw nag-assume ang ibang tao na may plano siyang pumasok sa politika. “Nang nabasa ng kampo ng mga Zamora, medyo naisip nila na hinog na nga pala ako. Until finally, after more than a month, nakarating ako sa final decision na papasok ako sa politika para makapaglingkod sa mga kababayan ko,” wika pa niya.
Ang ilan sa proyektong gustong tutukan ni Lance ay ukol sa youth and sports. Balak din daw niyang makilala bilang entertainment city ang San Juan. Kaya gusto niyang magkaroon ng annual San Juan City Film Festival sa kanilang lugar.
Ayon pa kay Lance, gusto niyang makilala bilang Kuya ng San Juan. “Ang nangyaring aksidente sa akin, parang symbolic iyon sa lahat ng pinagdadaanan ng mga youth, ‘di ba? If you look at it in a non-religious way, number-one, bakit madali ako gumaling? Because, I live a wholesome and healthy life.
“Never akong pumasok sa mga bisyo like smoking, drinking or drugs. So, yung katawan ko, agad siyang nag-regene-rate. So base sa example na talagang nangyari sa akin, gusto kong ipakita sa mga kabataan na tignan nila ang nangyari kay Kuya Lance, dahil gusto ko rin na maging Kuya ng San Juan e, iyon ang plano ko – na lumaki akong walang bisyo, naaksidente ako at gumaling agad ako,” saad ni Lance na idinagdag pang kasali ang education at value ng family sa tututukan niya.
Kabilang si Lance sa tiket nina Congressman Ronnie Zamora na ang kandidato sa pagka-mayor ay ang Vice Mayor ng San Juan na si Francis Zamora at ang incumbent Konsehal na si Totoy Bernardo naman ang kanilang Vice Mayor.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio