Friday , November 15 2024

Solaire Casino babagsak sa sabwatang dealer-player cum security force

00 Bulabugin jerry yap jsyDAPAT nang seryosohin ng negosyanteng si Don Enrique Razon ang pagpapatakbo sa kanyang Solaire Resort & Casino.

‘Yan ay kung ayaw niyang magising isang umaga na tuluyan nang nalugi ang kanyang negosyo.

Ito lang po ang ilang TIP, Mr. Razon, una mo sigurong kausapin at imbestigahan ang security group ng nasabing establisyemento.

Ang alam natin, trabaho ng security group ng isang Casino na maging mapagmatyag hindi lang sa mga player na pumapasok sa loob ng Casino kundi maging sa mga dealer.

Nasa mga dealer kasi ang buhay ng isang Casino kaya kinakailangan metikuluso sila sa player, madiskarte sa laro at s’yempre dapat na loyal sila sa management.

Pero kamakailan lang, nabisto ang sabwatang OVERPAYMENT ng hindi kukulangin sa 10 dealers at player diyan sa Solaire.

Ang ibig sabihin po ng OVERPAYMENT, halimbawa kung ang bayad ng player ay P20K, gagawin itong P60K. ‘Yan ay sa mga player na panalo.

Kaya ibig sabihin, malaki rin ang babayaran ng Solaire sa nanalong player.

Ang siste, halos anim na buwan bago natuklasan ng security group ang sindikato na ‘yan.

Halos P30 milyones ang nakulimbat ng sabwatang dealer at player bago pa ma-detect ng security group?!

Aba kung walang tuwirang kinalaman diyan ang security group ng Casino, dapat pa rin silang palitan dahil lumalabas na hindi sila nagtatrabaho nang maayos at magaling?!

Imbes maproteksiyonan ang may-ari ‘e mukhang nahuhuthutan pa?!

Paging Don Enrique Razon!

VP Jojo Binay lumalakas… ang paghina?!

Akala natin ‘e tuluyan nang lumakas ang kandidatura ni VP Jejomar Binay dahil wala na tayong naririnig na mga isyu laban sa kanya…

‘Yun pala, LUMAKAS ang kanyang paghina.

Mantakin ninyong dumadausdos na ang kanyang rating at naging pangatlo na lamang?!

Mukhang hindi na kumakagat sa boodle-boodle fight ninyo ang mga pinupuntahan ninyong komundidad ng masa, VP Binay?!

Paano na ‘yan?!

Dapat na sigurong umisip nang ibang style ang mga political operator ninyo dahil hindi na kayo makaungos sa numero.

Huwag ninyo kalimutan VP Binay na ang eleksiyon ay bilang.

Nakokondisyon ang utak ng masang botante sa numerong nakikita nila sa responde ng mamamayan.

Mula sa probability, numero at numero lang ang pinag-uusapan dito.

Gets mo na ba, VP Binay?! 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *