Monday , December 23 2024

Pagpupugay sa ika-27 anibersaryo ng kamatayan ni Don Chino Roces

CHINO ROCESMaituturing na napakahalaga at hindi dapat na limutin ang araw na ito ng taumbayan, partikular na ng mga mamamahayag  na nagmamahal at naniniwala na kailangan  magpatuloy na mag-alab ang kalayaan sa pamamahayag.

Ang araw na ito, Setyembre 30, ay araw ng kamatayan ng itinuturing na press freedom fighter na si Don Chino Roces.  Noong September 30, 1988, binawian ng buhay si Chino, sa sakit na cancer, 27 taon na ang nakararaan.

Si Chino, kilala bilang founder ng The Manila Times ay lumaban para sa kalayaan sa pamamahayag at nakulong matapos na ideklara ang Batas Militar. Nang makalaya, hindi tumigil si Chino at patuloy siyang lumaban sa pamahalaan ng diktadurang Marcos.

Si Chino ang isa sa founder ng Cory Aquino for President Movement (CAPM) at nagpasimula ng 1 million signature para tumakbo si Cory bilang presidente  laban kay Marcos.

Huwag natin kalimutan ang araw ng kamatayan ni Chino Roces. Kailangan ang kanyang alaala ay laging magsilbing sulo sa mga mamamahayag para hindi na muling maagaw ng sinoman ang kalayaan sa pamamahayag.

Isang pagpupugay ang nais naming iparating sa tinaguriang press freedom fighter. Laging nasa puso ka namin, Chino!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *