Ang pelikula ay ginastusan ng 150 milyong piso at ginamitan ng higit 7,000 artista at ekstra. Bukod kay Dennis, tinatampukan ito nina Bela Padilla, Mylene Dizon, Gabby Concepcion, Jaclyn Jose, Snooky Serna, Gladys Reyes, at iba pa. Ang regular showing nito ay sa October 7, 2015 sa higit 300 mga sinehan.
Ayon kay Dennis, isa ito sa most challenging movie na nagawa niya.”Opo, isa ito sa most challenging dahil katulad ng sinabi ko kanina, isa po ito sa pinakamalalaking proyekto na puwede kong magawa sa buong karera sa buhay ko.”
Gaano kahirap sa iyo na isang Felix Manalo ang ginampanan mo na kailangang i-transform mo sa big screen ng makatotohanan? “Matindi po yung pressure, dahil unang-una, hindi po ako kaanib. Kaya nag-aral po ako para magampanan ko ng maayos ang papel ko rito, mapaniwala ang mga tao, at makilala nila iyong totong Felix Manalo.”
Bakit mahalaga na mapanood ito hindi lang ng mga INC members, kundi pati ng non-INC members.
“First of all, kasi itong pelikulang ito, hindi naman ginawa para makapag-recruit ng mga kaanib. Ginawa itong pelikula para makilala nila ang isang dakilang tao sa likod ng Iglesia at kung paano mai-inspire ang mga tao sa nangyari rin sa buhay niya at kung paano niya pinanindigan yung pinaniniwalaan niya na dinala siya sa kung saan-saang lugar. Nakikita naman natin kung gaano na kalaki iyong Iglesia ngayon.”
Ano naman ang masasabi mo personally kay Felix Manalo bilang isang tao?
“Well, bilib ako sa kanya, hinahangaan ko siya bilang isang tao. Bilib ako sa mga paninindigan niya. Sayang at hindi ko na siya inabutan para makilala siya ng personal at magtanong.
“Sobrang proud po ako sa pelikula, sobrang proud. Dahil para sa akin, this is a role of a lifetime. Masuwerte po ako sa career ko, na bilang artista ay dumating sa akin ang ganitong pagkakataon na makagawa ng ganitong klaseng pelikula.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio