Thursday , November 21 2024

Reklamo sa MPD PS-9 (Attention: NCRPO Dir. Gen. Joel Pagdilao)

salisi pcp9GOOD day Sir Jerry, gusto ko lang pong ipa-abot sa inyo ang naging experience namin sa MPD station 9, kc po ‘yung kasamahan ko sa trabaho ay naholdap sa may bandang Legaspi Tower sa Pablo Ocampo St., habang nag-aantay ng sasakyan, lumapit po kami sa MPD Station 9 sa tapat ng Central Bank at katabi ng Harrison Plaza upang ipagbigay alam sa kanila ang nangyari, ang ginawa po sa amin ay itinuro po kami sa PCP nila na nasa Roxas Blvd., kc ‘yun daw po ang nakasasakop doon. Noong nandun na po kami sa Service Road at Roxas Boulevard PCP, gusto po namin ipa-blotter ‘yung nangyari ngunit sabi sa amin ng mga pulis sila na raw po ang bahalang magresolba at iwan na lang namin ‘yung contact number namin. Nais po sana naming humingi ng kopya ng blotter or incident report para po meron kaming pinanghahawakan kung sakaling makita  namin muli ‘yung nangholdap, ngunit sabi sa amin saka na lang daw kami bumalik pag nakahuli sila ng holdaper at ‘yun daw ang idiin namin, nadesmaya po kami kc lahat po sila doon ay easy-easy lang at parang walang pakialam, nag-antay pa kami sa labas at may nagsabi sa amin na umuwi na kami kc di kami makakukuha ng blotter kc ayaw daw ng hepe nila na magka-record na may holdapan na naganap noong araw na ‘yun kc magre-report /presenta kinabukasan sila sa MPD or NCRPO ng kanilang mga achievement. Itinanong ko kung sinong hepe, ang sabi lang sa akin si Salisi daw po ang pangalan… tama po ba ‘yung patakaran nila na ‘di muna magbigay ng blotter at ‘pag may nahuli na lang ‘e saka magkaroon ng pagtatala? Salamat po Sir sana masagot n’yo po ako.

Gumagalang,

M—[email protected]

Bukas ang Bulabugin sa kasagutan ng MPD PS-9 sa isyung ito.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *