Thursday , May 15 2025

Mga retiradong heneral sa BoC masisibak?

00 firing line robert roqueTuluyan kayang masisibak sa Bureau of Customs (BoC) ang grupo ng mga retiradong heneral mula sa kapulisan at kasundaluhan na tungkuling pa-tinuin ang takbo at palakasin ang kinikita ng aduwana?

Dahil umano sa kanilang integridad at husay bilang lider ay itinalaga ang 14 na heneral para pamunuan ang ilang mahahalagang puwesto sa Customs, bilang kapalit ng mga regular na empleyado na pinaghihinalaang sangkot sa mga anomalya.

Ganu’n pa man, sa tingin nina Marikina City Representative Miro Quimbo at Valenzuela Representative Magi Gunigundo, chairman at vice chairman ng House Committee on Ways and Means, ay bigo ang mga heneral na tuparin ang kanilang tungkulin at dapat na silang alisin.

Tinukoy ng mga mambabatas na mas mataas ang koleksyon ng Customs noong 2012 kumpara sa naitalang kinita nito noong 2014. Paglabag daw ito sa “Lateral Attrition law” na nagsasaad na sisibakin ang mga opisyal at empleyado kung mabibigo na makuha ang target nilang koleksyon.

Ayon sa isang abogado ay hindi maaaring alisin ang mga heneral dahil itinalaga sila sa puwesto ni Finance Secretary Cesar Purisima, at hindi maituturing na regular na empleyado ng Customs. Dahil dito ay hindi sila nasasakop ng attrition law.

Pero kailangan ba talagang panatilihin ang mga heneral at isangkalan ang katuwirang “co-terminus” ang kanilang trabaho sa nag-appoint sa kanila, habang nagdurusa at humihina pa kaysa rati ang koleksyon na kanilang tinututukan?

Hindi natin pinagdududahan ang kakayahan ng naturang mga heneral pero pag-isipan din natin kung akma ba ang kanilang kahusayan sa responsibilidad na naitoka sa kanilang mga balikat sa Customs?

Alalahanin na kung napanatili ng mga heneral na malinis ang kanilang iniingatang pangalan habang nasa loob ng PNP o AFP, na kapwa may sariling mga isyu ng katiwalian na pinagdara-anan, baka sa Customs pa sila pumalpak at tuluyang masira. Noon pa man ay mainit na paksa na ang BoC dahil sa mga iregularidad na naka-kabit dito, kaya itinuturing itong isa sa pinaka-corrupt na ahensya sa gobyerno.

Kung hindi kayang gampanan ng mga heneral ang sensitibong tungkuling patinuin ang koleksyon ng Customs ay makabubuting palitan sila ng mga tao na may sapat na kakayahan para gawin ang trabahong ito.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email safiringline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *