Monday , December 23 2024

Harassment laban sa Bulabugin ibinasura ng korte

jsy bailDAHIL malinaw na harassment lang naman ang layunin ng nagsampa ng kasong libelo laban sa inyong lingkod, hayun nakita ng hukuman na labag sa hurisdiksiyon ng batas ang asunto kaya agad itong ibinasura.

Sa simula’t simula pa lamang ay hindi naman dapat sumampa ang nasabing asunto dahil bukod sa maling hurisdiksiyon ay wala naman sa isinulat nating artikulo ang pangalan ng umasunto sa atin.

Kung na-overlook man ito ng mga awtoridad na naunang pinagdaanan ng kasong ito, gusto  nating ipaalala sa kanila na dapat ay maging metikuluso rin sila sa pagganap sa kanilang tungkulin.

May kasabihan na justice delayed is justice denied.

Paano kung sa isang mamamahayag na kailangan munang mangutang para makapagpiyansa at kailangan isakripisyo ang panggastos ng pamilya para lamang makakuha ng abogado ang nakaranas nang ganitong pandarahas?!                        

O kaya naman, inaresto na ang mamamahayag pero walang pampiyansa, tiyak himas-rehas na at malamang abutin ng pinakamababang 10 araw bago siya makalabas.

At ‘yan po ang ultimong dahilan kung bakit pinagtitiyagaang patulan ng inyong lingkod ang very sensitive na police official na umasunto sa atin.

(Hindi natin alam kung very sensitive lang siya talaga o baka naman inaako o feeling niya, siya lagi ang ikinokolum natin?!)

Kailangan po naming gawin ito, upang hindi pamarisan ng mga abusado ang estilo ng complainant natin.

Anyway, nagpapasalamat po tayo sa Diyos at sa Huwes sa paggulong ng katarungan sa asuntong ito.

Noong una po ay panay pa raw ang kantiyaw nitong umasunto sa atin at nagpo-post pa sa kanyang facebook na magpalit na raw kami ng abogado dahil lagi kaming talo.

Ang sagot natin diyan, hindi ko po kayang magpalit nga abogado… can’t afford tayong magbasura ng mga abogado nating ginagawa ang kanilang full effort para maipanalo ang kaso.            

Dapat siguro ikaw na ang magpalit ng abogado dahil kayang-kaya mo naman ‘atang magbayad.

Nakailang palit ka na nga ba ng abogado, pare ko?!

Uulitin ko lang po, ginagawa natin ito upang huwag nang maulit ang ganitong harassment sa iba pa nating mga katoto.

And to quote Edmund Burke: The only thing necessary for the triumph of evil is for good men to do nothing.

ALAM mo na!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *