Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Billy, handang maghintay kung kailan gustong magpakasal ni Coleen

092915 billy coleen
PLAYTIME no more! Kung tutuusin, isang seryosong craft na for Billy Crawford ang pagho-host ngayon, lalo na sa game shows ng Kapamilya.

Kahit patok ang tambalan nila ng Luluboy niya na si Luis Manzano, there are times na kakailanganin pa rin ni Billy ang mag-isa.

Kahapon, (September 26), natunghayan ang isang panibagong game show na talagang fun and entertainment ang hatid—ang orihinal na  Celebrity Playtime.

Ayon sa business head nito na si Lui Andrada, naisip at na-peg na nila ang konsepto nito habang nagsisimula pa lang ang unang Your Face Sounds Familiar. Na paano raw kaya kung magsama-sama sa isang normal na laro lang ang mga nakasalang noon na contestants sa nasabing palabas.

Unang naglaro sa Celebrity Playtime sina Melai Cantiveros, Karla Estrada, Nyoy Volante, at Edgar Allan Guzman ng YFSF ang makakalaban ng mga lucky stars ng Deal or No Deal na sina Dennis Padilla, Long Mejia, Epy Quizon, atEric Nicolas.

Komportable si Billy kahit pa kailanganin niyang kontrolin ang mga celebrity na magsisipaglaro.

“Basta bawal lang naman ang pikon dahil we’re here to have fun. Sa unang sabak, sobrang saya na ang inabot ng mga naglaban-laban. Kaya gusto ko nga na sa susunod mayroon ding athletes, politicians or ‘yung team ng ‘Pangako sa ‘Yo’ versus ‘On The Wings of Love’. The games are different so hindi siya predictable. Kaya nakatutuwa. Parang nasa party ka lang at biglang may games.”

Napansin din lucky in his career and lucky in love pa rin si Billy. Nakatakda na ba ang tamang araw para sa babaeng sabi nga niya eh, handa na niyang ihatid sa altar?

“Dumating na siya (Colleen Garcia) sa buhay ko. If the opportunity comes now for that I would say yes, I am ready. Pero she still wants to do so many things so I am just letting her be.”

See? Billy believes these things are not brought by luck but sheer blessings. And it’s playtime no more in life. But sa show!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …