HINDI na talaga mapigil ang pagsikat ni Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza. Pagkatapos ng McDo commercial at Talk N’ Text niya kasama si Alden Richards at O+ Ultra kasama naman si Lola Nidora (Wally Bayola), mayroon pang isang endorsement.
Ang tinutukoy namin ay ang pag-trend ng hair shampoo commercial na gagawin ni Maine na kaagad ngang pinagkaguluhan sa social media. Ang bagong shampoo commercial daw ay ang Head N’ Shoulders.
Naging viral nga agad sa social media ang shooting ng shampoo commercial at nakita namin ang mga picture na tinutukoy mula sa Instagram account nina Liz Uy(stylizedstudio) at Kris Bansuelo (kristbansuelo) na isang makeup artist.
Kahapon naman ay napanood ang ikalawang McDo ad nina Alden at Maine sa KalyeSerye ng Eat Bulaga. Ang unang McDo commercial ng dalawa ay una ring napanood sa EB noong September 11.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
