Thursday , December 19 2024

Kelot sinaksak ng tagahanga ng siyota

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaki makaraan pagsasaksakin ng lalaking tagahanga ng kanyang girlfriend kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Jonathan Hernandez, 27, ng 45 Camus St., Brgy. San Agustin ng nasabing lungsod.

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na kinilala lamang sa alyas na Cookie, ng Mallari St. ng nasabi ring lugar, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ni PO3 Rommel Habig, 11 p.m. nang maganap ang insidente sa Vidal St., Brgy. Ibaba ng lungsod.

Kasama ng biktima ang girlfriend niyang si Romina Dorado habang naglalakad sa lugar nang masalubong nila ang suspek kasama ang tatlong kalalakihan.

Bigla na lamang pinagmumura ng suspek ang biktima at sinabi ng salarin na nagseselos siya dahil kursunada niya ang kasintahan ni Hernandez na nagresulta sa mainitan nilang pagtatalo.

Hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek at kanyang mga kasama.

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *