Friday , November 15 2024

Iba talaga ang may ginawa sa Caloocan

00 Bulabugin jerry yap jsySINO mang humamon sa kandidatura  ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa darating na eleksiyon  sa Mayo 2016 ay tiyak na kakain ng alikabok at pupulutin sa kangkungan.

‘Yan ay kung magtutuloy-tuloy ang napakataas na 62 percent na pagsang-ayon na nakuha ni Mayor OCA sa pinakahuling survey na isinagawa sa kanilang lungsod ng isang NGO.

Sabi nga, ang survey ay hindi sukatan kung sino ang magaling kung hindi kung sino ang nagtrabaho nang tama at nagsilbi nang maayos.

Kung hindi ginawa ng isang politiko ang tama, tiyak na wala siyang maaasahan sa susunod na eleksiyon mula sa kanyang constituents.

At ganoon lang kasimple ang rason kung bakit kompiyansa ang kampo ni Oca Malapitan na muli nilang masusungkit ang boto ng mga taga-Kankaloo.

Hindi man taga-Liberal Party, pero buo ang suporta ng Palasyo sa kanya dahil kitang-kita ang ebidensiya na siya ay nagseserbisyo sa tao.

Mula sa eskwelahan, proyektong pangkalusugan at iba pang proyektong pakikinabangan ng sambayanan ang isinusulong ni Mayor Oca.

Kaya hindi nakapagtataka na muli niyang masusungkit ang panalo sa Mayo 2016.

Go Mayor Oca Malapitan!

VIP treatment sa Reyes Bros.

PARANG pagong na itinapon  sa tubig ang mag-utol na dating Palawang governor Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes.

Sila ‘yung tipong, tinakot itapon sa ilog pero umayaw nang matindi dahil malulunod lang umano sila.

Tinakot isalang sa apoy pero tuwang-tuwang umoo kasi mamumula raw ang kutis nila.

‘E ‘di sa madaling sabi, ibinalik ang Reyes Bros sa Palawan at ikinulong sa seldang solo lang nila.

Mayroon daw kasing pagbabanta sa buhay ng Reyes brothers kaya kailangan solo lang sila sa selda na bagong pintura at may view pa sa labas..

Itinatanggi nila ang VIP treatment at sinabing hindi ito totoo.

Pero sa totoo lang nakuha pang magpa-press conference na hindi nakaposas pagdating sa Palawan.

What the fact!?

Wala rin tayong makitang remorse sa kanilang mga mukha at panay pa ang ngisi.

‘Yan ba ang humihingi ng sorry?!

Pagdating sa loob, daig pa siguro ang piyesta sa pagkain na inihain sa kanila!?

Iba ba ang selda para sa mga mayaman at powerful?

Mayroong napakalaking bintana at kitang-kita ang view sa labas…

‘Yan ba ang nakahoyo?!

Justice Secretary Leila De Lima , ‘wag ninyong paglaruan ang damdamin ng mamamayan…

Huwag mong gamiting  deodorant ang pagkakahuli sa Reyes brothers sa iyong kandidatura…

Aksiyonan mo agad ang kabalbalan na ‘to!

Tumataas na bilang ng A-to-A sa Clark International Airport

Ewan natin kung alam ba o nakararating ba kay Immigration Port Operation Division Chief Atty. Floro “MCL” Balato ang maraming reports ng A-to-A (airport-to-airport) ng mga pasaherong Pinoy diyan sa Clark International Airport.

Isa na rito ‘yung pangyayari sa Cebu Pacific 5J 1505 bound for Hong Kong.

Balak daw sanang ‘tumalon’ ng pasahero nito papuntang Middle East pero minalas na ma-A-to-A ng Hong Kong Immigration pabalik ng CIA.

Medyo super close raw yata ang Immigration Head Supervisor na si Lenie Maminta sa Immigrtaion Officer (IO) na pumalo ng passport ng pasaherong si Chuck Ryan Carame kaya pilit daw pinagtatakpan ang nasabing insidente.

What is so special about IO Chuck Carame, Mrs. Lenie Maminta for giving him that kind of treatment? E sa totoo lang ‘karame-rame’ na naming naririnig na kwento ng pamamasahero ni IO Carame?!

IKaw din, ayaw ni ‘pabebe’ BI Commissioner Fred ‘greencard’ Mison nang ganyan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *