Friday , November 15 2024

Heneral Luna (2)

USAPING BAYAN LogoHINDI handa ang mga kasabayan ni Heneral Antonio Luna sa kanyang uri ng pamumuno dahil bukod sa umiiral na sistemang bata-bata at rehiyonalismo noon (na sakit natin hanggang ngayon) ay hindi siya miyembro ng “Caviteño clique” at beterano ng himagsikang 1896.

Si Hen. Luna, isang Ilokano at anak ng Binondo, ay tumanggi na sumapi sa Kataas-taasan Kagalanggalangan Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK-AnB) kaya nang sumiklab ang himagsikang 1896 ay hindi siya kasama rito. Sa kabila nito ay dinakip si Luna ng mga Kastila at sa pamamagitan ng kanilang labis na pagpapahirap (torture) ay napilitan niyang ituro sa kanila ang mga kilala niyang miyembro ng KKK-AnB.

Ipinatapon si Luna sa Espanya at mula roon ay ginalugad niya ang kanlurang Europa. Nag-aral siya ng “Military Science” sa ilalim ni Heneral Gerard Leman, isang Belgian na naging bayani noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ang kaalaman ni Luna tungkol sa mga taktika’t estratehiyang militar at ang kanyang likas na talino’t tapang ang dahilan kung bakit siya lamang ang kinilala ng mga Amerikano na kaisa-isang tunay na heneral ng Filipinas sa panahon ng Digmaang Filipino-Amerikano.

Bilang heneral ng hukbo ng republika ay mahigpit at tapat si Luna sa kanyang mga tauhan, isang katangian na ikinainis sa kanya ng mga ilustradong “bugok” at “beterano” ng himagsikang 1896. 

Sa isang lipunan na mapagkunwari (o plastic) ng mga ilustrado ay nagkaroon ng reputasyon si Hen. Luna bilang bastos at mayabang dahil sa talim ng kanyang dila at kawalan ng pasensiya sa kaordinaryohan (mediocrity) ng mga nasa pamunuan na politikal ni Emilio Aguinaldo.

Dahil sa kawalan ng kaalaman sa agham militar at inggit ay kinutyang duwag si Hen. Luna ng mga “beterano ng himagsikan 1896.” Dangan kasi imbes sumugod laban sa mga kaaway, katulad ng nakaugalian na, ay itinuro ni Luna ang mga makabagong paraan ng pakikipaglaban tulad ng tinatawag na “trench warfare” na ang mga sundalo, imbes sumugod ay maghuhukay ng mga kanal (trench) na hahatagan ng mga kawayan para kanilang maging taguan at proteksyon laban sa mga baril at kanyon ng kalaban.

Pinagkainisan din si Hen. Luna dahil sa mahigpit at walang sinisinong disiplina na ipinatutupad niya sa hukbo. Maraming heneral at opisyal ng pamahalaan ni Aguinaldo ang napahiya dahil naipamukha ni Luna sa kanila ang kanilang kasalatan sa talino at moralidad.

Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit nauwi sa malagim na kinahinatnan ang buhay ni Hen. Luna. Gayon man ang pinakamabigat na ugat ng kanyang kasawian ay hindi niya pagiging Caviteño’t miyembro ng “clique” ni Aguinaldo. ‘Ika nga outsider siya. Hindi siya bata ni Aguinaldo bagkus siya ay banta pa sa pamunuan nito. Ang kototohanan na ito ang ugat ng mga ugat kung bakit ipinapatay ni Aguinaldo si Hen. Luna sa Cabanatuan.

Pansinin na ang mga kinaiinisan ni Hen. Luna sa pamunuan ni Aguinaldo tulad ng pagiging plastic, mediocrity ng mga namumuno, inggit na dala kawalan ng alam at disiplina ay katangia’t ugali pa rin ng karamihan ng mga nasa pamahalaan ngayon, mula Malacañang hanggang sa pinakamaliit na barangay outpost. Ganito rin ang asta ng ilan sa mga kababayan natin. Tiyak ko na marami pang tulad ni Hen. Luna ang magiging biktima ang ganitong siste.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *