Friday , November 15 2024

Heneral Luna

USAPING BAYAN LogoBINABATI ko ang mga nasa sa likod ng pelikula na “Heneral Luna” hindi lamang dahil sa tagumpay ninyo sa takilya kundi dahil binibigyan liwanag din ninyo ang ilan sa madidilim na kabanata ng ating kasaysayan. Dahil sa pelikulang ito ay mas namulat ang bayan sa mga pangyayari na ilang beses nang tinangka na itago’t linisin o “i-sanitize” ng mga puwersang reaksyonaryo dahil sa takot mabisto ang kanilang kabulukan.

Mahusay na naipakita sa pelikulang ito na pareho pala ang ugali ng mga pulpol na politiko (pul-politiko) noon at ngayon. Walang ipinag-iba ang kanilang kawalanghiyaan laban sa mga gumagawa ng tama sa lipunan at kakayahang mambato ng putik para isulong lamang ang kanilang makasarili o makitid na interes.

Naipakita rin sa “Heneral Luna” ang masamang epekto ng kawalan ng pambansang kaakohan o national identity dahil sa ating pagiging maka-tribo o barangay. Bukod pa, ito ang dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang kampanya ni Hen. Luna laban sa mga mananakop na Amerikano, nabigyang diin din ng pelikula na ang kawalan ng pambansang kaakohan ay ugat ng ating pagkawatak-watak. Nakalulungkot na ang problemang ito ay dala pa rin natin ngayon.

Kitang-kita na hindi handa ang republika ng taksil na si Emilio Aguinaldo sa isang tapat sa bayan na Antonio Luna. Ang kawalan ng kahandaan na ito ang sinamantala ni Aguinaldo kaya naipapatay niya si Hen. Luna sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

Ginamit ni Aguinaldo ang kanyang Kawit Regiment sa pagpatay kay Hen. Luna para ma-tiyak ang pag-angkin niya sa pamunuan ng republika (na una na niyang inagaw sa Tejeros, Cavite mula kay Pangulong Andres Bonifacio na kanya ring ipinapatay). Pansinin na sinaksihan at kinatigan pa ng konsintidorang ina ni Aguinaldo ang pagpatay sa magiting na heneral sa simbahan ng Cabanatuan.

Huwag din natin kalilimutan na sa kabila ng sakripisyo ng mga mamamayan ay una nang ibi-nenta ni Aguinaldo sa mga Kastila ang bayan at ang rebolusyon na inumpisahan ni Bonifacio. Ito ang dahilan kaya nagkaroon ng kasunduan sa Biak na Bato noong 1897 at umalis si Aguinaldo kasama ang kanyang mga tapat na tauhan pa-puntang Hong Kong. Doon sila nagdemandahan para sa pera na pinagbentahan ng bayan.

Hindi pa nasiyahan sa kanyang kinita mula sa mga Kastila, ibinenta uli ni Aguinaldo ang ba-yan sa mga Amerikano matapos siyang madakip sa Palanan, Isabela at sa mga Hapones noong Ikawalang Digmaan na Pandaigdig. Kahit anong tanggi at pagmamaang-maangan ay hindi maitatago ni Aguinaldo ang kanyang kinalaman sa mga pataksil na pagpatay kay Pangulong Bonifacio at Heneral Luna.

Salamat Direktor Jerrold Tarog sa iyong obra. Mabuhay ka John Arcilla sa iyong mahusay na pagkakaganap bilang Heneral Luna. Mabuhay din ang lahat ng bumuo ng pelikula.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *