Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bugaw na bebot niratrat sa hagdan ng Int’l Cabaret

PATAY ang isang bugaw ng mga babaeng nagbebenta ng aliw makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki habang pababa ng hagdan kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas Ledy, nasa 25-30-anyos, patuloy pang inaalam kung ano ang tunay na pangalan at kung tagasaan, tinamaan ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril.

Batay sa nakalap na ulat mula sa Station Investigation Division (SID), naganap ang insidente dakong 7 a.m. sa hagdan ng dating International Cabaret sa 3rd Avenue, Grace Park ng  nasabing lungsod.

Galing ang biktima sa itaas nang giray-giray na gusali na ginawang paupahang kuwarto at habang pababa  sa hagdan ay sinalubong siya ng hindi nakilalang suspek at siya ay pinagbabaril.

Pagkaraan ay walang buhay na gumulong pababa ng hagdan ang biktima. Habang mabilis na tumakas ang suspek.

Hinala ng mga awtoridad na may kinalaman sa ilegal na droga ang motibo sa insidente dahil bukod sa pagiging bugaw ay drug addict din ang biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …