Friday , November 15 2024

Bilib tayo sa punto ni Ms. Sheryl Cruz

00 Bulabugin jerry yap jsyNAKITA natin ang katapatan sa pagmamalasakit ni Ms. Sheryl Cruz sa kanyang kapatid ‘este’ pinsan na si Madam Senator Grace Poe.

Dahil sa dala-dalang pangalan ng kinagisnang ama na si Fernando Poe Jr., hindi naging mahirap kay Senator Grace ang maging popular.

Pero siyempre, kaakibat ng popularismo na ‘yan ang hindi mamatay-matay na ‘alamat’ tungkol sa kanyang pagiging foundling.

Kaya nga nakukuwestiyon ngayon ang kanyang pagkamamamayan.

Bukod pa ‘yan sa paniniwala ni Ms. Sheryl na kailangan pang patunayan nang ilang panahon ni Senator Grace ang kanyang katapatan at pagiging mabuting lingkod ng bayan.

Kumbaga sa fraternity, ang paghahangad na mapaglingkuran ang bayan bilang pinakamataas na pinuno ng bansa ay nasa tamang panahon (sabi nga ni Lolo Nidora)…

Kung ang destinasyon na ‘yan ay para sa kanya, kahit ano pa ang mangyari, sa tamang panahon at tamang pagkakataon ay masusungkit niya ‘yan.

Isa pa siguro sa hinanakit ni Ms. Sheryl ay ang pagkabuhay ng isyung kapatid niya si Senator Grace sa kanyang ina.

Sabi nga niya, ayaw niyang lumalabas na ang kanyang ina ay nagkaroon ng relasyon sa ibang lalaki bukod sa kanyang ama.

Ibig sabihin ayaw niya nadadamay sa isyung ito ang ina lalo na’t wala naman siya rito sa bansa para ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa nasabing isyu.

Sa hinaing naman ni Ms. Sheryl na ngayon pa lang ay napagbabantaan na ang kanyang kabuhayan, palagay natin ‘e dapat protektahan ni Senator Grace at ni Manang Inday ang anak ni Rosemarie Sonora at Ricky Belmonte laban sa mga taong malalapit at nagsisipsip sa kanila.

At naniniwala naman tayo na ganyan ang gagawin nila dahil higit sa lahat sila ay magkakapamilya.      

Umaasa tayo na “all’s well that ends well” ang magiging ending ng isyung ito.

Alam natin na makatarungan sa kanyang  pagpapasya ni Manang Inday.

VM Francis Zamora ang bagong mukha ng San Juan City

TILA palayok raw na babangga sa kawaling asero si San Juan Vice Mayor Francis Zamora.

Si Francis ay anak ng beteranong politiko na si Ronnie Zamora at kamakailan lang ay nagdeklarang lalaban sa mayoralty race sa lungsod na matagal ding pinamunuan ng mga Ejercito at Gomez.

Ngayon pa lang ay nakikita na ang mainit na labanan ng dalawang pamilyang dating sanggang-dikit at mahigpit na magkaalyado.

Pero mukhang ayaw ng mga Zamora na maulit sa pamilya nila ang kasaysayan ng mga naging vice mayor sa San Juan na tila naburo na lang ang karera sa pagiging bise at hindi nagkaroon ng pagkakataon na maging alkalde…

Huwag kalimutan ang istorya ni Philip Cesar… 

At ngayon nga, kahit nangako dati si Ms. Guia Gomez, ang nanay ni Senator JV Ejercito, na ibibigay niya kay Francis ang susunod na laban ‘e mukhang hindi ito magkakatotoo dahil ipinila nila ang asawa ni Sen. Jinggoy na si Precy Vitug Ejercito para maging susunod na alkalde ng San Juan.

Hindi komporme rito ang mga Zamora.

Ang kasunduan ay kasunduan at hindi sila maaaring ibilang sa mga vice mayor na pinaikot-ikot lang ng pamilya Estrada.

Anyway, hindi tatakbo si Francis para makipag-away. Tatakbo siya bilang mayor ng San Juan para bigyan ng bagong mukha ang lungsod.

At para putulin ang ilang dekadang political dynasty sa kanilang lungsod.

Panahon na nga naman para mas paunlarin ang lungsod na kahit na maituturing na first class na siyudad ay lumulubog naman kapag tag-ulan.

Kung hindi dahil sa Greenhills at sa La Salle ‘e baka tuluyan na silang nabura sa mapa ng kaunlaran.          

Aba ‘e, nadaig pa ngayon ng Mandaluyong ang San Juan.

Naniniwala ang mga taga-San Juan na isang lider na gaya ni Francis ang kailangan nila ngayon…

Sawa na sila sa mga puro papogi, pangako at paggamit sa mahihirap.

Tuloy ang laban ni Francis para sa bagong San Juan!

#PDA@Mison/Valerie

TILA wala nang makapipigil pa sa kalandian ‘este’ PDA or Public Display of Affection nitong si Immigration Comm. Fred ‘pabebe’ Mison at ang nababalitang kanyang jowawits na si Ms. Valerie ‘dondon’ Concepcion.

Noong nakaraang Martes lang ay maraming empleyado ang naka-witness kung paano rumampa ang dalawa palabas ng BI-OCOM na halos magkandasubasob na sa paglalakad si Comm. Fred ‘pabebe’ Mison habang nakaabresiyete ang kanyang lady love?!

Kitang-kita rin kung gaano ka-proud ang lolo n’yo na para bang sinasabi na “O say n’yo, inggit kayo no?!”

Well, no wonder na nag-trending ang tsismis sa BI main office na kahit ano raw ang i-request nitong kanyang lady love ‘e ganoon na lang kung  mataranta si Papa Mison lalo na sa ilang kamag-anak nito na naipasok sa bureau, courtesy of their May-December affair?

How true Papa Mison?

Hindi ba nga at dalawang pinsan umano nitong si Ms. Lady V as in voluptuous ang nagawa niyang ipasok sa Bureau as Confidential Agents kaya huwag na kayo magtaka kung mabigyan pa sila ng permanent item courtesy of his Honorable shoot before dribble “pabebe” Commissioner?

What the fact!?

Kaya siguro aligaga si pison ‘este Mison na sibakin lahat ang mga hindi nag-comply sa kanilang destino lalo na ‘yung mga ipinatapon niya sa border crossing stations para siguro harbatin ang mga hawak na permanent item/positions nila?

Mukhang totoo nga talaga ang kasabihan na: “Walang tutang naulol ‘di ba?”

Talagang gagawin ang lahat para masiyahan lang si Manoy ‘este ang puso!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *